• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senado, sinimulan na ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund

SINIMULAN  na ng Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills ngayong araw.

 

 

Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong lumikha ng pondo, ay tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies.

 

 

Kabilang sa mga pinagmumulan ng seed money para sa Maharlika Investment Fund ay ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at ang idineklarang dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

 

 

Dagdag dito, ang bersyon ng panukalang batas ng House of Representatives ay humadlang na sa mababang kamara noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon.

 

 

Kabilang sa mga principal sponsors ng House Bill No. 6608 ay ang anak ng pangulo na si Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at si House Speaker Martin Romualdez.

 

 

Una na rito, tinukoy ni Pangulong Marcos ang Maharlika Investment Fund bilang isa sa kanyang prayoridad na isinusulong para sa bansa.

Other News
  • COVID-19 cases sa NCR, tumaas – OCTA

    NAKAPAGTALA ang OCTA Research Group ng 7 porsyentong pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang mga nakalipas na paalala na maaaring magkaroon ng panibagong surge sa bansa na idudulot ng mga sub-variants ng Omicron.     Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng […]

  • Bucks ayaw magkampante kahit nasa ‘best start’ ngayong season

    Hindi umano nagpapakampante ang Milwaukee Bucks kahit ito ngayon ang best team sa NBA, dahil sa patuloy na pamamayagpag na meron ng siyam na panalo at isa pa lamang ang talo.   Ang best start ngayon ng Bucks ay itinuturing din na pinakamagandang record sa kanilang franchise history.   Ngayon pa lamang usap-usapan na ng […]

  • NAVOTAS NAMAHAGI NA NG ECQ CASH AID

    Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pamamahagi ng financial assistance sa kanilang constituents na lubos naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).     Base sa payroll ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP), ang Navotas ay may 27,905 beneficiaries.     Ang masterlist para sa iba pang beneficiary groups kabilang ang mga waitlisted […]