• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senador Imee Marcos, target na tumakbo bilang bise-presidente sa eleksyon 2022

IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na target ni Sen. Imee Marcos ang Vice Presidency sa 2022 kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kanyang running-mate. 

 

“Si Imee, ganito ang laro n’yan, pinupuntahan niya si Mayor Duterte sa Davao, hoping na magtakbo ‘yon, siya ang maging bise,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address.

 

Subalit, tila tinitiyak na ng Pangulo na ang kanyang anak ay, “Hindi naman tatakbo, sabi niya.”

 

Si Imee, anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay naunang nagpahayag na ang kanyang kapatid na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagpahayag na isang malaking karangalan na maging ka-running mate si Mayor Sara.

 

“Everything’s possible but I supposed the most obvious thing is if the Dutertes have the solid South, we’re assumed to have the solid North. Parang marriage made in heaven yan,” ayon sa senadora.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Mayor Sara na kailangang maghintay ng pubiko ng hanggang Oktubre kung saan maghahain na ng kani-kanilang certificate of candidacy ang mga tatakbo sa Eleksyon 2022 kung siya nga ay tatakbo sa pagka-pangulo o hindi.

 

Samantala, inulit naman ng Pangulo ang hangarin niyang tumakbo bilang bise-presidente.

 

“Bakit? Walang oposisyon, hindi ‘man manalo ‘yang oposisyon. Sigurado ako, ‘yong Otso Diretso ulit na naman ‘yon,” aniya pa rin na ang tinutukoy ay ang opposition slate na nabigong makakuha ng Senate seat noong 2019 polls.  (Daris Jose)

Other News
  • Name dropping para matakasan ang batas o makahingi ng pabor sa pamahalaan, dapat gawing criminal offense

    MARAMING enforcers na tapat na pinatutupad ang batas ay naaalanganin kapag ang kanilang hinuhuli ay nag na-name drop ng mataas na opisyal para takasan ang batas.     Sa traffic enforcement lang ay napakarami na ang nag viral na ang hinuhili ay nagpapakilalang kamag anak ni Heneral, ni Mayor, Senador o sino pang bigatin sa […]

  • Ads August 19, 2023

  • Pinoy MMA fighter Geje Eustaquio, wagi laban kay Song Ming

    Nagwagi si dating ONE flyweight champion Geje Eustaquio laban kay Song Ming ng Korea sa ONE: Inside Matrix III na ginanap sa Singapore.   Mula sa unang round pa lamang ay naging agresibo na si Eustaquio.   Pinaulanan ng suntok at sipa ang Korean fighter.   Kung nagtagumpay si Eustaquio ay naging kabaligtaran naman ang […]