• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado

UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).

 

 

Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic Act 10931 o “Universal Access to Quality Tertiary Education Act.” Kaso, hindi nito saklaw ang mga nag-aaral para maging abogado dahil sa nakakuha na sila ng undergraduate degree.

 

 

“Isa sa mga dahilan ng kawalan ng katarungan para sa marami sa Pilipinas ang kakulangan ng practicing lawyers,” wika ng senador sa kanyang explanatory note sa Inggles. Noong Miyerkules ito pormal na inihain ngunit nabanggit sa isang press release ngayong Martes.

 

 

Aniya, layon ng panukalang maging abot-kamay ang hustisiya lalo na sa marginalized sectors. Sa ngayon daw kasi, tinatayang nagsisilbi ang isang abogado sa mahigit 2,500 katao — malayo sa ideyal na ratio na isang lawyer kada 250 katao.

Other News
  • 75k trabaho sa mga Pinoy, nakaabang na sa ngayon- DOLE

    TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino.     Bunga ito ng mga naging  pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa labas ng bansa.     Sinabi ni  DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na  manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable […]

  • Kahit ilang buwan nang naghiwalay… DANIEL, ‘di kinalimutang batiin ng ‘hapy birthday’ si KATHRYN

    KAHIT naghiwalay na, hindi kinalimutan ni Daniel Padilla na batiin ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo na nagdiwang ng kaarawan.     Nitong hatinggabi ng Martes, nag-post sa Instagram si Daniel ng isang graphic image nila ng dating nobya na may Japanese character na nagsasaad ng “Happy birthday to you.”     May sunflower […]

  • P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon […]