Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte.
Inilarawan naman ni Matibag ang bagong development na ito na isang “comedy”, sabay sabing si Pimentel, na ang namayapang ama na i Aquilino Jr. PDP-Laban founder, ay hindi kumakatawan sa partido.
“It’s a comedy. Sen. Koko Pimentel has no position in the PDP Laban. He is irrelevant and he does not represent the party. His group are pretenders and are attention seekers,” ani Matibag.
Iginiit nito na si Pangulong DUterte pa rin ang nananatiling chairman ng ruling party.
“President Rodrigo Roa Duterte is the PDP Laban party chairman. He remains to be so and will continue to be so,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi naman ni PDP-Laban executive director Ron Munsayac na ang “original” PDP-Laban ay naghalal ng bagong party officials sa isang national council, Linggo ng tanghali.
Sa isang text message, si dating Eastern Samar governor Lutgardo Barbo ang nahalal naman bilang vice-chair.
Buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan, pinatalsik ng grupo ni Secretary Alfonso Cusi si Pacquiao bilang PDP-Laban president at pinalitan ito ng Department of Energy chief.
Nagpahayag kasi si Pacquiao na may korapsyon sa administrasyon dahilan para hamunin siya ng Pangulo na maglabas ng solidong pruweba na magpapatunay sa kanyang alegasyon.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi makapaghintay si Pacquiao na pangalanan bilang presidential bet ng partido. (Daris Jose)
-
Korea’s All-Time Favorite Crime Busters Return and Head to PH in The Roundup: Punishment
THE latest installment of Korea’s most-loved action blockbuster The Roundup: Punishment starring Don Lee finally takes its action in the Philippines. In the borderless action-comedy, The Roundup: Punishment timely touches on the controversies of online gambling, locally known as POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) as it sees the team of Ma Seok- […]
-
‘Oil price hike, posible pang pumalo sa P12 ang dagdag sa kada litro next week’
POSIBLE pang makaranas ng mas matinding taas presyo sa produktong petrolyo sa bagong round nito sa darating na linggo. Ito ay matapos ang pag-arangkada ng kasalukuyang pinakamataas na dagdag-presyo sa langis ngayong linggo. Batay kasi sa datos na nakalap ng mga kinuukulan, posible pang tumaas sa P12.72 ang kada litro ng […]
-
Publiko, binalaan sa ‘Holiday Heart Syndrome’
Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat laban sa mga sakit na may kaugnayan sa ‘Holiday Heart Syndrome,’ gaya ng stroke, bunsod na rin nang nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang Holiday Heart Syndrome ay isang kondisyon na dulot ng labis na pag-inom […]