SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino.
Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang pagaari. Kaya hindi totoo na bawal ang dayuhan pumasok, lamang lang dapat ang Pinoy sa ownership nito. Pero sa mga nagsusulong ng SB2094 o ang pag-amyenda ng Public Service Act ay tila handang isuko ng mga mambabatas nang buung-buo ang pagmamay-ari dito sa mga dayuhan nang hindi dumaan sa tamang paraan. Ito ay paglapastangan sa Saligang Batas!
Simple ang legal strategy ng SB2094. Alisin ang public transport bilang public utility. Paano ginawa? Sa panukalang batas na ito, ang public utility ay tatlo na lang: distribution of electricity, transmission of electricity at water pipeline distribution system at sewerage pipeline systems. Ang public transport at ang ibang dating itinuturing na public utility tulad ng telepono, telegraph broadcast at iba pa ay tatawagin nang public service at dahil hindi na public utility ang transport hindi na mag-a-apply ang nationality restriction ng Saligang batas sa land transport at iba pa.
Ang husay ng strategy!
Dahil mahirap mag-amyenda ng Konstitusyon ay magpapasa na lang ng ordinaryong batas na apektado ang Konstitusyon. Para maging public utility ang public service ay dadaan ka sa butas ng karayom sa dami ng ahensya na dadaanan at may mga mabibigat na criteria pa! Pero pag binasa mo ang mga nakasaad na criteria tulad ng ‘the service is of public consequence or needs to be regulated when the common good requires’ ay pasok ang public transport.
Bakit hindi na lang isinama ang public transport bilang public utility! Ang sabi ng mga nagsusulong nito ay kailangan nilang i-lift ang nationality requirement para maka-enganyo ng foreign investments ang bansa na kailangan ng ekonomiya.
Ayon kasi sa UNCTAD ay buhat sa $6.6 billion dollars na direct foreign investment noong 2018 ay bumaba ito sa limang billiong dolyar na lamang ng 2019.
Pero ang nationality requirement LANG BA ANG DAHILAN BAKIT MATUMAL ANG PAGPASOK NG FOREIGN INVESTMENTS? Ipagpalagay na lang na walang nationality restriction sa mga industriyang ito, sigurado bang pasok ang dayuhan?
Ayon sa pag-aaral – isang dahilan lang ang nationality requurement. MAS NA tu- TURN OFF ang mga foreign investors sa talamak na korapsyon, inadequate structure, bureaucratic red tapes, high power cost, at iba pa na mas dapat bigyan ng solusyon ng gobyerno!
Kung meron pa rin nito aba ay maski anong probisyon ang baguhin sa Saligang Batas ay wala ring mangyayari. At tunay kaya na mas gaganda ang serbisyo pag dayuhan ang nagpatakbo ng mga ganitong negosyo? Ang nationality restrictions ay depensa ng mga small-and-medium businessmen para hindi sila lamunin ng mga higanteng dayuhang kapitalista. Marahil sa mga industriya na bilyun-bilyon ang kailangan na kapital bakit hindi? Pero sa mga tulad ng UV Express, bus, jeep, motorcycle-for-hire, delivery, taxi, tricycle at iba pa, hindi ba yun ang 60-40 na Filipino! Foreign ownership panatiliin na lang? Sana ay makonsidera ito ng ating mga mambabatas.
-
Gilas hinihintay pa ang approval ng IATF para sa kanilang bubble training
HINIHINTAY pa ng Gilas Pilipinas ang go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Disease na payagan silang magsagawa ng bubble training camp sa Calamba, Laguna sa buwan ng Nobyembre. Ito ay bilang paghahanda sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Kahalintulad din ito ng ginawa ng TNT Tropang Giga bago ang […]
-
Tim Burton, Directing A Coming-Of-Age Series About Wednesday Addams For Netflix!
AN Addams Family live-action adaptation is coming to Netflix! The upcoming series will tell the coming-of-age story of Wednesday Addams and her time at the Nevermore Academy. Wednesday will be coming from Tim Burton, who will be making his TV directorial debut in this eight-part series, under the production of Netflix and […]
-
Sen. Bong, Ai-Ai, Sharon at Aga, ilan lang na wala sa list: NORA at VILMA, pinangunahan ang 16 stars sa ‘pilot mural painting’ ng MMFF
INILANTAD na ang mural painting na kinabibilangan ng labing-anim na bituin na nagningning sa limang dekada ng Metro Manila Film Festival. Naganap ang pag-alis ng tabing nitong Setyembre 19, 2024, Huwebes, sa dating gusali ng MMDA na matatagpuan sa Orense St. cor. EDSA, Makati City. Makikita nga sa Pilot Mural […]