Senate probe sa phaseout ng traditional jeepneys, gumulong na
- Published on March 3, 2023
- by @peoplesbalita
TATALAKAYIN sa Senado ang resolusyon tungkol sa pagpapaliban sa nakatakdang phaseout ng traditional jeepneys sa Hunyo 30.
Itinakda ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang pagdinig dakong ala-1:30 ng hapon.
Bukod sa jeepney phaseout at PUV modernization program ay layon din ng pagdinig na pigilan ang nakaambang tigil pasada ng mga transport groups sa Marso 6-12.
Kabilang sa inimbitahan sa pagdinig ang mga opisyal ng DOTr, LTFRB, DILG, DTI, DBM, Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.
Ipapatawag din ang mga transport at commuter groups kabilang ang Manibela, ALTODAP, PISTON, Pasang Masda, FEJODAP, Laban TNVS, Stop and Go Transport Coalition, Lawyers for Commuters Safety and Protection at Move as One gayundin ang iba pang stakeholders tulad ng Get Vehicles (e-jeep), EVT USA at MPT Mobility.
Humingi ng permiso si Poe sa mga senador na agad dinggin sa Huwebes ang resolusyon upang mapigilan ang nakaambang isang linggong tigil-pasada
Kinatigan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang hirit ni Poe na bagama’t mayroong 3-day rule na sinusunod ang Kongreso bago isalang sa pagdinig ang isang panukala o resolusyon, maituturing namang ‘national concern’ ang problema na nangangailangan ng agarang atensyon ng mga mambabatas. (Daris Jose)
-
Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral. Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series […]
-
Mahigit $700-K halaga ng cocaine nakumpiska sa border ng US at Mexico
NAKAKUMPISKA ang US ng cocaine na nagkakahalaga ng $700,000. Ayon sa US Customs and Border Protection, nasabat nila ang nasabing droga sa Hidalgo Bridge ng US-Mexico border na tawid lamang ng Rio Grande, Texas at Tamaulipas, Mexico. Base sa imbestigasyon, hinarang nila ang isang kahina-hinalang van at ng siyasatin nilang mabuti […]
-
DOH ayaw pa irekomenda Metro Manila-wide lockdown ‘sa ngayon’
Hindi pa maimumungkahi ng Department of Health ang pagpapatupad ng mahihigpit na lockdown sa Kamaynilaan sa ngayon, pero hindi nila isasantabi ang posibilidad kung magpapatuloy pa rin sa paglala ang pagkalat ng coronavirus disease sa gitna ng mga localized restrictions. ‘Yan ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam ng ANC, Miyerkules, ngayong 23,518 […]