• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senator Bong, tinugon ang pangangailangan ng isang estudyante sa Guimaras

SA kabila ng nararanasan nating pandemya ngayon, hindi hadlang ito sa mga television networks na magbigay sila ng mga programa para sa mga televiewers.

 

Kung maraming na-hook na mga netizens sa panonood ng bagong drama anthology ng GMA Entertainment Group, ang I Can See You, na pilot episode nila ng four weekly series ang “Love On The Balcony” na tampok sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, na nag- trending sa nationwide Twitter, simula naman ngayong gabi, October 5, sa second week mapapanood na ang episode na “The Promise” na tampok sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

 

*****

 

NATUWA naman ang mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na muli nilang mapapanood ang kanilang idolo sa rerun ng Temptation of Wife na sinasabing siyang pinakamagandang Philippine adaptation ng mga Koreanovelang ipinalabas dito.

 

Bukod kay Marian, kasama rin niya sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafael Rosell.

 

Ginampanan ni Marian ang role ni Angeline Santos na nagmahal sa kanyang asawa pero sinaktan lamang siya at pinagtaksilan. Plinano nina Dennis at Glaiza na patayin si Angeline at palalabasing nag-suicide ito, pero nabigo sila dahil buhay si Angeline na nagsimulang magbagong buhay bilang isang mas matapang na babaeng handang maghiganti.

 

Magsisimula nang mapanood ang rerun ng Temptation of Wife ngayong Lunes, at 11:30 a.m. bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

 

Isa pang niri-request ng mga fans ni Marian ang Carmela, na hulinh serye niya bago sila kinasal ni Dingdong Dantes.

 

*****

 

TINUGON naman ni Senator Bong Revilla ang pangangailangan ng isang batang estudyante sa Guimaras na nag-order online ng gagamitin niyang laptop para sa online learning niya, pero sa halip na laptop, bato ang laman ng box na idinileber sa bata. Nakarating naman ito sa online shopper at nabawi ng bata ang Php 24,000. Pero kailangan ng bata ang laptop dahil simula na nga ng classes nila ngayong Monday.

 

Napanood pala ni Senator Bong ang 24 Oras last Thursday evening at noon din ay nagpasabi siya sa magulang ng bata na magpapadala siya agad ng laptop na kailangan ng bata. Sigurado namang makakarating ito sa Guimaras on time sa pagsisimula ng classes ngayong Lunes.

 

Noong birthday ni Senator Bong last September 25, namigay na rin siya ng 1,500 units ng laptop na napili sa pamamagitan ng raffle.  (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Minimum wage pinarerebyu ng DOLE

    INATASAN na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis.     Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo […]

  • Ads February 22, 2021

  • UAE niluluwagan na ang mga ipinatupad na COVID-19 restrictions

    INUUNTI-UNTI na ng United Arab Emirates ang pagtanggal ng COVID-19 restrictions.     Ito ay matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.     Isa sa mga ipapatupad ay ang pagpayag ng maximum capacity sa mga venues.     Ayon kasi sa National Emergency Crisis Management Authority na mayroon lamang 1,538 […]