Senator Tulfo binatikos DSWD sa — libu-libong contractual employees
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa libu-libong social workers na hindi pa rin nare-regular kahit pa halos isang dekada nang nagtatrabaho sa ahensiya.
Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DSWD, sinabi ni Sen. Tulfo na maraming kawani ng ahensiya ang magreretiro pero hindi pa rin nagiging regular.
Ayon kay Tulfo, bago utusan ng gobyerno ang mga pribadong institusyon na sumunod sa batas ay dapat mauna muna ito.
“Bago tayo magmando sa private institutions na sumunod sa pagbabawal sa mga contractual, mauna muna tayo sa gobyerno! Nakakahiya, DSWD! By the thousands pa rin ang kontraktuwal (employees)!” ani Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na sa kasalukuyan, tinatayang nasa 6,038 contractual at job order employees ng DSWD na karamihan sa kanila ay lampas 10-15 taon nang nagpapaka-alila pero wala pa ring natatanggap na mga benepisyo.
Ayon pa kay Tulfo, noong nakaraang taon pa niya isinangguni ang isyung ito sa DSWD ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na aksyon.
Isinulong ni Tulfo na ipatawag na rin sa susunod na pagdinig si DBM Sec. Amenah Pangandaman dahil itinuturo ni Sec. Rex Gatchalian ang DBM. Ito ay para maliwanagan ang komite kung makapaglalagay nga ba talaga ng regular plantilla positions sa naturang ahensya kahit na gradual ang implementasyon nito.
(Daris Jose)
-
‘Godzilla Vs. Kong’ Drops New Poster And First Trailer
TWO of the most iconic monsters in film, Godzilla and King Kong are ready for a confrontation in the new Godzilla Vs. Kong poster. Warner Bros. and Legendary Entertainment will soon be releasing the big crossover film, now that their MonsterVerse had been set up by the Godzilla reboot in 2014, Kong: Skull Island in 2017, and 2019’s Godzilla: King […]
-
PBBM, nagpaabot ng pagbati sa INC sa ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag
NAGPAABOT ng kanyang mainit na pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid na Iglesia Ni Cristo (INC) na nagdiriwang ngayon ng kanilang 109th Founding Anniversary (Anibersaryo ng Pagkakatatag). Ang wish niya sa religious organization ay magkaroon pa ng mas maraming lakas para isulong ang kanilang misyon hindi lamang para sa […]
-
Ads December 14, 2022