• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Send-off sa Olympic-bound athletes ‘di tuloy

Posibleng walang sendoff ceremony na mangyari sa Malacañang para sa mga national a­thletes na lalahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na inaasahan niyang magiging mahigpit ang Palasyo sa mga bibisita kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“I don’t want to p­reempt the President and the Malacañang pero iwas na lang sa possible transmission,” ani Ramirez. “Malamang it will be not only simple but talagang a

 

 

“Nakakatakot sa transmission lalo na at may variant. So hindi namin ina­asahan iyan (send-off ceremony),” dagdag pa ng PSC chief.

 

 

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Naging tradisyon na para kay Presidente Duterte ang magbigay ng send-off sa mga atletang sasabak sa mga international competitions kagaya ng Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games.

 

 

Kabuuang 19 atleta ang sasalang sa Tokyo Olympics sa pangunguna nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting at 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso ng golf.

 

 

Hindi pa nananalo ng gold medal ang Pilipinas mula nang sumali sa Olympics noong 1924 sa Paris.

 

 

May tsansa rin para sa medalya sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan at skateboarder Margielyn Didal.

Other News
  • No class size limit para sa in-person classes — DepEd

    HINDI magtatakda ang Department of Education (DepEd) ng class size limit sa oras na magpatuloy na ang  face-to-face classes sa Nobyembre.     Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na walang “prescribed class size” dahil magkakaiba naman school classroom situations.     Gayunman, tiniyak nito na ire-require pa rin ng DepEd ang […]

  • Palaisipan kung para saan ang pagmamaneho ng jeep: DINGDONG, labis-labis ang pasasalamat sa suportang nakuha para sa ‘Family Feud’

    LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil after two weeks pa lamang siyang nagho-host ng Family Feud ay grabe na ang suportang nakuha nila sa mga televiewers.       “Moment of joy po ang nararamdaman ko, and I’ll be forever grateful for the opportunity to bring joy and laughter to all our […]

  • Federer nakatakdang isubasta ang mga personal na gamit nito

    Nakatakdang isubasta ni tennis star Roger Federer ang ilang mga personal na gamit nito.     Sinabi ng 20-times Grand Slam champion na bukod sa mga ginamit nito sa tennis ay mabibili rin ng kaniyang mga fans ang ilang personal na gamit nito.     Gaganapin ang live auction sa Hunyo 23 na mayroon lamang […]