• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SENIOR SA MAYNILA MAY SARILING HOTLINE

HINDI na maabala pa kung may problema o katanungan ang isang Senior Citizen sa Maynia matapos na pagkalooban sila ng sariling hotline na maari nilang tawagan.

Ito ay matapos iutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso  ,ang pagbuo ng  call center  at inatasan din si  Office of the Senior Citizens (OSCA) Marjun Isidro na i update ang listahan ng mga  senior citizens sa Maynila para malaman kung sino ang mga nagsilipat na ng tirahan at pumanaw na.

“Sisiyasatin mabuti ang mga sumakabilang-buhay o lumipat na para ang datos namin ay tama kasi, pera ng taumbayan ‘yan kailangan maging masinop kami sa pangangalaga ng pera ng bayan,”ayon kay Moreno.

Kasabay nito,sinabi ni Moreno na target niyang tapusin sa loob ng tatlong buwan ang activation at papamahagi ng PayMaya cards na maglalaman ng P500  pension kada buwan para sa may 150,000 senior citizen simula noong Enero .

Sinabi ni Moreno na gusto niya na lahat ng senior citizen sa siyudad ay magkaroon ng pension,kahit pa man sila ay mayaman , mahirap o middle class at ang mga cards ay idi deliver mismo sa kanilang bahay.

“Isa-isang inaayos ang mga cards bilang tulong sa OSCA. Ang gusto ko, ayusin ang datos kasi masakit pakinggan na dalawang magkaibigang senior, isa nagkaroon tapos ‘yung isa wala. Walang maiiwan,” ani kay Moreno.

Alam umano ni Moremo na kapag ang isang tao ay tumanda na,limitado na ang kanyang kapasidad na kumita kaya iniisip ng gobyerno na matulungan sila kahit sa maliit na paraan.

“Gusto natin matulungan ang mga senior citizens kaya naisip natin ang regular na ayuda pambili man lang ng paracetamol. Maliit pero gusto ko lahat masaya,” dagdag pa ni Moreno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Other News
  • Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita

    GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016.     Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang […]

  • Mga guro na ‘di pa bakunado pwedeng magturo sa F2F classes

    PINAHINTULATAN  na rin ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong hindi pa bakunado laban sa COVID-19, na makapagturo na sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.     Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na ang bago nilang polisiya ay payagan na rin ang mga […]

  • Ads August 2, 2021