• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seniors puwedeng mag-mall, grocery kahit anong oras

KAHIT anong oras ay maaaring lumabas ang mga senior citizens para pumunta sa mga malls at groceries upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan

 

Nilinaw ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos iginiit ni National Commission of Senior Citizens Chair Atty. Franklin Quijano na dapat ilaan ang alas-9 hanggang alas- 11 ng umaga ng mga malls at groceries para sa mga senior citizens.

 

“Unang-una, hindi po pinagbabawalan lumabas ang ating mga seniors para bumili ng kanilang necessities. Pupuwede po silang pumunta sa mga malls, sa groceries kahit anong oras,” ani Roque.

 

Hindi na aniya kailangang aprubahan pa ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizens na lumabas.

 

Nauna rito, sinabi ni Quijano na maraming senior citizens ang nagre-reklamo dahil hindi sila pinapapasok sa mga groceries at malls. (Ara Romero)

Other News
  • OPM Icon na si Claire, pumanaw na dahil sa cardiac arrest

    NAGLULUKSA ang mga OPM artist sa pagpanaw ng kinilalang “The Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire dela Fuente.     Cardiac arrest ang dahilan ng pamamaalam ni Claire nitong March 30 sa edad na 62.     Isa sa maituturing na OPM icon si Claire dahil sa mga sumikat niyang mga awitin noong […]

  • Pag-ahon ng turismo sigurado dahil sa mas maluwag na paglalakbay — Bongbong

    Ngayong nakikita na ang unti-unting pag-ahon ng sektor ng turismo, para kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ito na ang pagkakataon para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa tourism industry na maka-recover matapos na lubhang maapektuhan dahil sa pandemiya.       Ayon kay Marcos, halos lahat ng sektor sa bansa ay naghirap dahil sa […]

  • PBBM, interesado sa ‘fisheries deal’ sa Marshall Islands

    INTERESADO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang ‘fisheries cooperation’ sa pagitan ng Pilipinas at Marshall Islands.     Nabanggit ni Pangulong Marcos ang ideyang ito nang bisitahin siya ni Marshall Islands President Hilda Heine sa Palasyo ng Malakanyang.     “We welcome President Hilda Heine, President of the Republic of the Marshall […]