Serantes bumalik sa pagamutan
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBALIK sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang 1988 Seoul Summer Olympic Games men’s boxing bronze medalist na si Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sa sakit sa puso.
Pinabatid ng Philippine Sports Commission ang kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng mga Pinoy sa quadrennial sportsfest sa pamamagitan ng Twitter nito lang Miyerkoles, Enero 20. Humihiling din ang ahensya sa sports ng gobyerno ng panalangin sa lahat para sa mabilis na paggaling ng retiradong boksingero’t sundalo.
Nakikipagtalastasan naman si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson sa PSC para makakuha ng pinansiyal na tulong para kay Serrantes na minsan na ring naratay at nakapanayam ng sumulat na ito sa naturang ospital, ilang taon pa lang ang nakararaan.
Kinopo niya ang medalyang tanso sa Seoul nang matalo sa semifinals kay Ivailo Khristov ng Bulgaria sa desisyon 5-0.
Dinaig niya sa quarterfinals si Mahjoub Mjirish ng Morocco sa referee stop contest, third round; si Sammy Stewart ng Liberia sa Round of 16, 5-0, at si Hassan Mustafa ng Egypt sa second round ng RSC sa Last 32 tapos mag-bye sa Round of 64.(REC)
-
Balitaan sa Tinapayan
HINIMOK ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan. Sa kanyang pagdalo Biyernes ng umaga sa relaunching ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto […]
-
16 marino nakulong sa bulk carrier vessel
HUMIHINGI ng tulong sa gobyerno ang 16 na marino na na trap sa isang Bulkcarrier vessel Angelic Glory na nakalangkla sa Hongkong Port, South China Sea. Sa pamamagitan ng United Filipino Seafarers (UFS),ipinaabot nito sa Departmentof Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA) atnsa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paghingi ng […]
-
OIL SMUGGLING, PAHIRAP SA MAMAMAYAN
Nakakapagtaka na wala ni isa man sa mga presidentiables ang may plataporma upang tuldukan ang mas malalang problema sa smuggling sa loob at labas ng Bureau of Customs partikular na ang langis at krudo. May ibat-ibang istilo ang smuggling o tuwira’ng pandaraya ng mga importador nito at nagagawa nila ang pandaraya sa […]