• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SERBISYO SA KALUSUGAN NG BANSA, HAMON NG SIMBAHAN

HINAMON ng simbahan ang pamahalaan na tutukan ang pagpapaayos ng serbisyo ng kalusugan ng bansa.

 

 

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng pondo para sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap.

 

 

Ito ay bunsod sa isyu ng pagsasapribado ng mga ospital na bagamat mas mapapaganda ang serbisyo at mga pasilidad ay kaakibat naman ang pagtaas ng presyo sa mga serbisyo na pagsasantabi sa mga mahihirap.

 

 

“Kaya itong privitization na ‘to kahit na dati pa, ang simbahan, ang advocacy ay mas pag-igtingin ng ating gobyerno ‘yung ating mga public health services. I-improve n’ya ‘to, gawin itong mas accessible at mas available lalong-lalo na sa mahihirap,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Dagdag pa nito na ibilang sa layuning pagpapabuti sa healthcare sector ng bansa ang pagpapagaling sa mga pasyente sa halip na kita.

 

 

“Kung titingnan natin, meron pang pwedeng gawin. At itong privitization ng ating mga hospitals, kailangang dapat hindi iilan lang ang mga nag-uusap dito. Dapat i-consult ang lipunan, mga komunidad, mga may karamdaman, kasi sila ay hindi lang beneficiary pero kaakibat sila doon sa buong health care system natin,” saad ni Fr. Cancino.

 

 

Taong 2019 nang lagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging batas ang Universal Health Care Law na inaasahang magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa.

 

 

Suportado ng simbahan ang bawat layunin at adhikain ng pamahalaan lalo na sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng nakararami lalo’t higit ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan. GENE ADSUARA

Other News
  • ICU beds sa NCR ‘high risk’

    Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.     Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera […]

  • Legarda mainit na tinanggap sa Ilocos Sur

    TUMULAK patungong Ilocos Sur kahapon si House Deputy Speaker at UniTeam senatorial bet Loren Legarda upang muling hingin ang basbas ng lalawigan kung saan tatlong ulit siyang naging number one senator sa mga nagdaang halalan.     Sa kanyang pagbisita sa lalawigan, nangako si Legarda na ipagpapatuloy ang mga programang magbibigay ng trabaho, livelihood assistance […]

  • Rebulto ni Wade ng Miami Heat umani ng mga reaksyon

    UMANI ng magkakahalong reaksyon mula sa basketball fans ang ginawang rebolto para kay NBA star Dwayne Wade.     Sa isang ginawang pagkilala sa Miami Heat star ay ipinakita dito ang kaniyang rebolto sa labas ng Kaseya Center.     Siya lamang ang unang manlalaro sa franchise ng Heat na nabigyan ng sariling rebolto.   […]