• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Serye nila ni Alden, umabot na sa 100M views: BEA, dalawang projects ang sisimulan sa pagbabalik mula Spain

EXCITED na ang mga netizens na mapanood ang “Mano Po Legacy, The Flower Sisters” na magiging tampok sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at si Angel Guardian as the Chua sisters.  

 

 

Nagpatikim na kasi ang GMA Network at Regal Entertainment sa pamamagitan ng full trailer ng serye dahil napapanood na ang ilan sa mga aabangang eksena.  Masasabing ang serye rin ang may pinakamalaking cast kaysa sa first three episodes na ipinalabas nila.

 

 

Ito na rin daw ang pinaka-fierce na sibling rivalry sa GMA Telebabad series, na maglalaban-laban dito ang four Chua Sisters sa isang ama.  Bawat isa sa kanila ay may ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

 

 

Una na ngang aabangan ang bangayan nina Lily (Aiko) at Violet (Beauty).  Sa trailer kita agad ang katarayan ni Violet at ang mahinahon namang pagsasalita ni Lily pero may lalim ang hugot niya.  Lalong gugulo ang awayan sa pagpasok ng dalawa pa nilang mga kapatid, sina Dahlia (Thea) at Iris (Angel).  Malaki ring katanungan kung sinu-sino pa ang ibang characters na papasok sa serye?

 

 

Ang “Mano Po Legacy, The Flower Sisters” ay may world premiere na on Monday, October 31, at ipapalit sa “What We Can Be” na nasa finale this week na ang collaboration ng GMA Network at Quantum Films starring Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Marta, na napapanood after ng “Start-Up PH.”

 

 

                                                            ***

 

 

TIYAK na ikatutuwa ng mga bagets viewers and old-alike, ang balitang tapos na tapos na ang taping ng “Voltes V: Legacy” ni Direk Mark Reyes, at mapapanood na this 2023.

 

 

Sabi ay papalitan nito ang top-rating historical fantasy portal series ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.

 

 

Itinatanong naman ng mga netizens kung ano iyong Instagram post ni Direk Mark na “Este Evi” with a caption na “This #sanggre #encantadia, #soon “noellayonflores @suzidoctolero.

 

 

Ibig daw bang sabihin, ito na ang next project ni Direk Mark after “Voltes V: Legacy,” ang “Sang’gre”  na sabi’y muling mabubuo ang mga Sang’gre ng “Encantadia,” na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro?

 

 

Pero sa “Sang’gre” ay si Bianca Umali raw ang mangunguna sa mga bagong Sang’gre.  Maalaalang after gawin ni Bianca ang “Legal Wives,” nagsimula na siyang mag-aral ng Martial Arts, at wala ring bagong teleseryeng ibinigay sa kanya ang network.

 

***

 

 

AFTER magpasalamat ng cast at production staff ng “Start Up PH” sa executive producer ng original K-drama series, ngayon naman ay nagpapasalamat sila sa mga netizens and loyal viewers ng serye nina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales at Ms. Gina Alajar. 

 

 

Tinawag nila itong Dreamers, nang magkaroon sila ng cast party last October 17, dahil tapos na tapos na ang taping nila ng serye. At ngayon nga ay umabot na ito sa 100 Million ang Tiktok views and counting pa ito gabi-gabi after ng “Maria Clara at Ibarra” sa GMA-7.

 

 

Ginawa rin ang cast party na pa-birthday treat nila kay Bea na umalis for Madrid, Spain kinabukasan, October 18, with her family, para bisitahin at ayusin na ang ownership ng apartment na binili niya bago siya nagsimulang mag-taping sa GMA.

 

 

Dalawang projects ang sisimulan ni Bea pagkabalik niya from Spain.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • SMB niresbakan ang Meralco

    NAGPASABOG si import Shabazz Muhammad ng 57 points para ibangon ang San Miguel mula sa 26-point deficit at balikan ang Meralco, 115-110, sa PBA Governors’ Cup  sa Smart Araneta Coliseum.     Ang ikalawang sunod na panalo ng Beermen (7-4) ang naglapit sa kanila sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals at inilatay sa Bolts […]

  • PBBM, muling binuhay ang Task Force El Niño

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng isang executive order (EO) na muling buhayin ang Task Force El Niño.     Inanunsyo ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang muling pagbuhay ng  task force noong December 2023, subalit ang EO ay nilagdaan lamang noong Enero 19 at In-upload sa Official Gazette, araw […]

  • Quarantine facilities kailangang mag- provide ng isolation rooms

    BINIGYAN ng mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang  COVID-19 quarantine facilities sa bansa na mag- provide ng  isolation rooms.     Sinabi ni Acting presidential spokesperson t Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang nasabing hakbang ay nakasaad sa ilalim ng  IATF Resolution 157.     “The recommendation of the DOT [Department of Tourism] for […]