Seryoso ang lahat at walang nagba-buckle sa dialogue: DINA, nag-enjoy sa masayang kulitan ng cast dahil nakawawala ng tension
- Published on April 3, 2023
- by @peoplesbalita
INAABANGAN Mondays to Saturdays ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na tampok sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Interesting na iba’t ibang guest artists ang pumapasok sa mga eksena, kaya nang mawala muna sa eksena si Richard Yap as Dr. RJ Tanyag, nang mag-taping siya ng “Unbreak My Heart” abroad (na kung saan nilabas na ang trailer), ilan sa mga nag-guests sina Gabby Eigenmann, Archie Alemania at si Ms. Dina Bonnevie, who plays the sister of Dr. RJ at siyang naging CEO ng kanilang hospital.
“Nag-enjoy kasi ako sa masayang kulitan ng cast, nakawawala ng tension,” kuwento ni Dina.
“Pero kapag take na, walang nagba-buckle sa dialogue at take one ang eksena.”
Inaabangan ng mga viewers ngayon kung magiging kakampi ba ni Annalyn (Jillian) si Giselle, knowing na galit siya sa mga anak sa labas, tulad ni Annalyn?
Napapanood ang serye after “Eat Bulaga” sa GMA-7.
***
MARAMING bumati kay Kapuso actress Yasmien Kurdi, nang in one night she was honored by two different award-giving bodies.
Ikinagulat ni Yasmien nang bigyan siya ng awards as Outstanding Woman of Inspiration with Significant Achievement in Philippine TV and Film, at Most Outstanding Female Celebrity and Performing Artist.
Sa ngayon ay busy si Yasmien sa lock-in taping ng bago niyang GMA series, ang “The Missing Husband” with Rocco Nacino and the cast, sa Pico de Loro Beach Resort in Batangas.
(NORA V. CALDERON)
-
Sa bagong anggulo ng dahilan ng paghihiwalay: CARLA, may pera rin sa malaking halaga na na-scam kay TOM
TALAGANG iba rin ang naging closeness ng mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla na nagsimula nang maging close nang magkapareha sila sa Encantadia. Hindi naputol ang closeness at the same time, sweetness nilang dalawa kahit matagal ng tapos ang fantaserye. At dahil biggest break ni Ruru ang […]
-
MIC, prayoridad ang energy transmission investments
PRAYORIDAD ng Maharlika Investment Corp. (MIC), ahensiya na mangangasiwa sa sovereignty wealth fund, ang pamumuhunan sa energy transmission lines sa iba’t ibang rehiyon. Sinabi ni MIC President and Chief Executive Officer Rafael D. Consing Jr., na marami ng investments sa ‘generation at distribution side’ sa sektor ng enerhiya. “So Maharlika will […]
-
P6.352 trilyon 2025 national budget isinumite na sa Kamara
ISINUMITE na kahapon (Hulyo 29) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara ang P6.352 trilyong panukalang pondo para sa susunod na taon. Ang 2025 National Expenditure Program ay pormal na isinumite ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang mga opisyal ng Kamara. […]