Seven Seaport Development Projects sa Bohol, panibagong “milestone” ng Build, Build. Build program ng gobyerno-PDu30
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya ng “newly improved Port of Tagbiliran” at anim na “newly improved seaports of Bohol.”
Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Seven Seaport Development Projects sa Bohol sa Port of Tagbilaran, araw ng Biyernes, sinabi nito na malaking karangalan na makasama siya sa event na ito.
Pinuri ng Pangulo ang DOTR at PPA sa ilalim ng liderato ni Secretary Arthur Tugade dahil sa matagumpay na pagtatapos ng mga nasabing proyekto na tanda ng panibagong milestone sa ilalim ng Build, Build. Build program.
“Si Tugade classmate kami, sya among valedictorian sa law school. Dili sya engineer, mas maayo siya sa mga construction. Pero bilyonaryo na ni. He’s a billionaire,” ang kuwento ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang konstruksyon at pagkukumpuni na ginawa sa mga naturang daungan ay naglalayong payagan ang Bohol na mag- accommodate ng mas maraming tao at kalakal mula sa kalapit-lalawigan at makapag-ambag para sa pagbangon ng lalawigan mula sa pandemiya.
Kumpiyansa rin siya na ang mga daungan ay makapagpapalakas sa kakayahan ng Bohol bilang “catalyst” ng economic growth sa Central Visayas.
“All these developments support the administration’s mission to provide our people with improved mobility as well as other comfortable productive and dignified life for every Filipino,” aniya pa rin.
Samantala, pinuri naman ng Pangulo si Governor Art Yap at ang provincial government ng Bohol para sa matagumpay na pagpapatupad na “COVID response management plan of action.”
“Yawa na. .duha lang ka pages. amo lang ni? … sino nag buhat ani?,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Again, congratulations to everyone on this achievement. Mabuhay tayong lahat.” (Daris Jose)
-
Mga fans ni Bryant, inaalala ang 42nd kaarawan nito
Nagsagawa ng pagpugay ang iba’t-ibang basketball fans sa pagdiriwang ng ika-42 kaarawan ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant. Binuksan ang mga mural na nagpupugay sa Los Angeles Lakers star na makikita sa ib’at-ibang bahagi ng mundo bukod pa sa bayan nito kung saan siya isinilang sa downtown Los Angeles, isa sa malapit […]
-
Petro Gazz pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference
Pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference ang Petro Gazz. Ito ay matapos talunin ang Akari sa apat na set 25-15, 25-19, 22-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena. Nanguna sa panalo si Grethcel Soltones na nagtala ng 20 points mula sa kaniyang 16 na atake at four aces. […]
-
DOTr inireklamo ng ‘cyber libel’ transport leader, journo dahil sa corruption allegation
NAGHAIN ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian. Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson […]