• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sex book, bday gift ni PBBM sa anak na si Sandro

NIREGALUHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang anak na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander ”Sandro” Marcos, ng isang sex book na may pamagat na ”Sex for Lazy People: 50 Effortless Positions So You Can Do It Without Overdoing It.”

 

 

Ang nakababatang Marcos ay nagdiwang ng kanyang ika- 30 taong kaarawan nito lamang Marso 7.

 

 

”I have my own present for you. Because you are practically a senior citi-son, I found you this guide, ‘Sex for Lazy People.’ It is in the mail. Read it well. It will help you. Happy birthday, Sandro,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang kamakailan lamang na vlog.

 

 

Pinayuhan din ng Pangulo ang kanyang anak at iba pa na 30 taong gulang na ”learn to slow down when you must.”

 

 

”Listen to your body. Don’t burn the candle at both ends too much,” ayon payo ng Chief Executive.

 

 

Pinayuhan din niya ang batang Marcos na huwag ikompromiso ang ilang prinsipyo gaya ng Panginoon, kanyang pamilya at bansa.

 

 

Para naman kay Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos, ang birthday gift nito sa kanyang anak ay isa ring libro na may pamagat na “Be More Taylor: Fearless Advice on Following Your Dreams and Finding Your Voice.”

 

 

Pinayuhan din niya ang kanyang anak na palaging bigyan ng importansiya ang kahalagahan ng pamilya at palaging humingi ng paumanhin sa lahat ng oras. (Daris Jose)

Other News
  • WBN Fighter of the Year trophy nakuha na ni Pacquiao

    Natanggap na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang Fighter of the Year award nito na iginawad ng World Boxing News (WBN).   Ibinigay kay Pacquiao ang naturang parangal matapos ang matagumpay na kampanya nito noong nakaraang taon kung saan dalawang impresibong panalo ang kanyang naitala.   Nakuha ni Pacquiao ang unanimous decision win kay […]

  • LTFRB: Magkakaroon ng “recalibration” sa PUVMP

    MAGKAKAROON  ng “recalibration” sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan upang bigyan tuon ang mga problema at concerns ng mga nagrereklamong operators at drivers ng public utility jeepneyes (PUJs).       Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz sa isang hearing sa committee ng transportasyon […]

  • PNP stations sa buong bansa, naka-full alert na ngayon

    INANUNSYO ng Philippine National Police (PNP) na naka-full alert na ang lahat ng istasyon nito bilang bahagi ng pagsisikap na matiyak na matiwasay at payapa ang May 9 national and local elections (NLEs).     “We are all systems go. We have placed all police stations nationwide on full alert status,” ayon kay PNP chief […]