• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Shabu, cash nasabat sa mga preso sa women’s correctional

ILANG sachet ng hinihinalang shabu at malaking halaga ng cash ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City kahapon (Miyerkoles).

 

Sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology sa pasilidad, nakuhanan ang ilang preso ng 5 sachet ng hinihinalang shabu.

 

Tinatayang nasa P150,000 cash naman ang nakumpiska sa Taiwanese “drug queen” na si Yu Yuk Lai subalit agad nitong itinanggi na galing ang pera sa mga transaksiyon na may kinalaman sa iligal na droga dahil ito aniya ay pera ng kooperatiba sa kulungan.

 

Isang preso rin ang nakuhanan ng P150,000 cash.

 

May nahanap ding cash – na hindi pa natutukoy ang halaga – sa loob ng dormitoryo ng plunder convict na si Janet Lim Napoles.

 

Kapansin-pansin naman ang tila pagiging VIP ni Napoles dahil napapalibutan ito ng kanyang mga kapwa preso at inilalayo sa media.

 

Ayon kay BuCor chief Gerald Bantag, hanggang P2,000 lang ang puwedeng dalahin ng mga nakapiit sa pasilidad, anumang halaga na sosobra rito ay dapat i-deposit sa mga tauhan ng Bilibid.

 

Dagdag pa ni Bantag, kadalasan kasi ang nasabing halaga ang ginagamit bilang pambayad sa mga abugado sa mga presong may kaso.

 

Bukod sa hinihinalang droga at pera, nakuha rin sa loob ng pasilidad ang mga game gadget, solar battery, at mga gintong alahas.

 

Ayon kay Bantag, sususpendihin ang visiting privilege ng mga presong nakuhanan ng mga kontrabando at maaari rin daw maharap ang mga preso sa disicplinary action.

 

Inaalam na rin sa ngayon kung paano napuslit ang ibang mga kontrabando. Pagkatapos ng Galugad, pinababa ang lahat ng preso at nag formation sa ground ng Correctional.

Other News
  • Sobrang saya na kasama ang movie sa ‘2023 MMFF’: VILMA, excited nang mag-promote at sumama sa ‘Parade of Stars’

    MASAYANG-MASAYA si Star for All Seasons Vilma Santos at feeling nasa cloud nine, nang malamang kasali ang reunion movie nila ni Christopher de Leon, ang “When I Met You in Tokyo” sa 49th Metro Manila Film Festival sa December.     Nagpasalamat si Ate Vi sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakasama ang kanilang […]

  • MM Mayors, pinayagan ang religious gatherings ng 30% capacity

    SINABI ng Inter-Agency Taks Force (IATF) na pinapayagan ng Metro Manila Council ang religious gatherings sa 30% vanue capacity.   Nauna nang pinayagan ng IATF anag religious gatherings ng 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions.”   Sa kabilang dako, binigyan naman ng diskresyon ang Local Government Units (LGUs) […]

  • Bona, Salome at Ma’ Rosa, pinagsama-sama sa ‘Pieta’… ALFRED, natupad na ang pangarap na makasama sina NORA, GINA at JACLYN

    LAST week ipinasilip na ni QC Councilor Alfred Vargas sa kanyang Instagram at Twitter post ang character na ginagampanan niya sa ‘PIETA’ na kanyang ipo-produce at mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.   Caption ng aktor, “A first glimpse of ISAAC, recently released from jail after decades of painful incarceration. Denied of justice for […]