• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHAKE HANDS SA EVACUATION CENTERS, IWASAN

IWASAN  ang physical close contact tulad ng shake hands o paghawak ng kamay at pagyakap sa mga evacuation centers.

Ito ay paalala ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees at mga opisyal na bumibisita sa mga evacuation centers.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maaring nasasabik na ang mga residente  at gustong maipakita ang kanilang pasasalamat sa mga opisyal  na nagbibigay ng ayuda ngunit lagi rin aniyang tandaan at maintindihan na may banta pa rin ng Covid-19.

Kaya naman aniya iwasan muna ang paghawak kamay, shake hands at pagyakap at kailangan pa ring mag-maintain ng physical distance dahil maari pa rin aniyang makapanghawa sa ganyang pamamaraan.

Dagdag pa ni Vergeire, maari naman aniyang magkaroon ng ibang paraan para maipakita ang taos pusong pasasalamat natin sa komunidad at mga lider ng gobyerno. (GENE ADSUARA)

Other News
  • LTFRB didinggin ang petisyon ng transport groups

    ITINAKDA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa September 26 ang pagdinig ng petisyon na inihain ng transport groups para sa P5 na taas pasahe bilang minimum fare.     Kasama sa didinggin sa petisyon ang provisional adjustment na P1 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong krudo sa merkado. […]

  • Itatayong imprastraktura, dapat nang gawing disaster proof- PBBM

    DAPAT nang gawing disaster proof ang mga  itatayong imprastraktura sa bansa.     Ito’y upang matiyak na matatag ang mga imprastrakturang itatayo sa hinaharap.     Ani Pangulong Marcos, importanteng maging disaster proof na ang mga bagong gagawing kalye at  iba pang gusali gaya ng ospital maging ng mga bahay.     Kasama rin aniya […]

  • Fil-HK venture nanalo sa bidding ng P24B tunnel deal

    ISANG Fil-HK venture ang nanalo sa P24 billion na tunnel deal na gagamitin sa pagtatayo upang pagdugtungin ang North-South Commuter Railway (NSCR) at Metro Manila Subway Project (MMSP).       Isang notice of award mula sa Department of Transportation (DOTr) ang binigay para sa Contract Package (CP) S-03B ng NSCR sa joint venture ng […]