SHARON, handang ma-bash at sa magiging reaksyon ni Sen. Kiko; may assurance na maganda ang ‘Revirginized’
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
WALA dapat ipag-alala ang mga Sharonians sa gagawing pelikula ni Megastar Sharon Cuneta under Viva Films titled Revirginized.
Kahit na medyo nakaka-shock ang dating ng title, Sharon gave her Sharonians an assurance na magandang project ang Revirginized at excited siyang gawin ito.
Wala rin kaso sa kanya na baguhan ang kontrobersiyal niyang director na si Darryl Yap. Ayon kay Sharon, nagustuhan niya ang kwento ng movie dahil it is something different at hindi pa siya nakagawa ng tulad nito.
Gagampanan ni Sharon ang karakter ni Carmela sa Revirginized na isang babaeng at the age of 16 ay nagkaroon na agad ng anak kaya hindi na-enjoy ang pagdadalaga. Siguradong magiging kontrobersyal na naman ang pelikulang ito ni Direk Darryl at ayon sa Megastar handa naman siyang ma-bash kung saka-sakali.
Hindi rin natatakot si Shawie sa posibleng magiging reaction ng kanyang husband na si Sen. Kiko Pangilinan kapag napanood ang movie.
“Well, kapag nanood siya, pwedeng magulat siya ‘tapos sasabihin na lang niya sa akin, tsk… Kiko’s very supportive, sobra. Lahat ng gawin ko, kahit nga yung mga ka-love team ko, eh, mga ex ko, di ba?
“Seriously, he’s very understanding and supportive. I’m very blessed to have a husband like him,” dagdag niyang pahayag.
Nang tanungin si Sharon kung ano ang reaksyon niya tungkol sa mga celebrities at ibang social media influencers na nagpapabayad para gamitin sa pagpapakalat ng fake news ay dito na naging seryoso si Sharon.
“Oh my God, ikinahihiya ko sila!” mariing reaksyon ng Megastar.
“Kasi kunyari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, o-offer-an ka nang milyun-milyon para sila endorsohin mo.
“Never ako nagpabayad. Lagi akong… I’d rather go with this one kahit matalo kasi yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay,” deklara pa niya.
Ganito rin daw ang ginagawa niya sa mga product endorsements na tinatanggap niya.
“Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company.
“Sa dami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades, dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero yung produkto, parang palpak ‘to or yung serbisyong ‘to, hindi ko malunok.
“Kung pinatulan ko lahat ng endorsements na ‘yon, siguro doble na yung naipon ko sa ipon ko ngayon. It’s the same thing with me, ang feeling ko, kung sa fake news.
“Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?
“Kasi di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke. Ginagamit mo yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita,” tuluy-tuloy pang paliwanag ni Sharon.
Despicable din daw at unacceptable para sa kanya ang ganung klaseng gawain.
“Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya,” pagdidiin pa ni Sharon.
***
MULING kinilala ang ABS-CBN dahil sa maayos na pamamalakad nito sa kumpanya kasama ang iba pang mahuhusay na organisasyon sa Pilipinas sa ginanap na ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Awards noong ika-19 ng Pebrero.
Tulad noong 2018, tanging ang ABS-CBN lang ang media company sa mga organisasyong pinarangalan para sa kanilang magandang pamamalakad base sa isinagawang ACGS noong 2019.
Ang ACGS ay ginagamit sa anim na bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations upang suriin at palakasin ang pamamahala at pagpapatakbo sa mga “publicly-listed” na kumpanya sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Tinitignan nito ang mga karapatan at pagtrato sa shareholders, ang pagiging bukas at tapat ng organisasyon, mga responsibilidad ng board, at iba pa ng mga kumpanya.
Maliban sa ABS-CBN, pinarangalan din sa Golden Arrow Awards and ibang kumpanya ng Lopez Group. Ito ang Lopez Holdings Corporation at First Gen Corporation.
Isinasagawa ang ACGS Golden Arrow Awards ng Institute of Corporate Directors, isang organisasyong may layuning gawing propesyunal ang pamamalakad sa mga kumpanya sa bansa. (RICKY CALDERON)
-
Ads May 4, 2022
-
Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19
Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19. Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19. Kasalukuyang […]
-
The Voice Cast Shares How Their Kids Love ‘PAW Patrol: The Movie’
RAISE your PAWs up if your kids can’t stop talking about PAW Patrol! Check out the newly released feature below on how the kids of the voice cast (led by Kim Kardashian, Dax Shepard, Tyler Perry and Jimmy Kimmel) love PAW Patrol: The Movie. The PAW Patrol is on a roll! When their biggest […]