• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, ipinagmamalaki na ilang araw na siyang ipinagluluto ni JUDY ANN; ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal

IPINAGMAMALAKING ikinuwento ni Sharon Cuneta na ilang araw na raw siyang ipinagluluto ni Judy Ann Santos at super thankful nga siya kay Juday sa pag-aalaga sa kanya.

 

 

May sakit si Megastar at sinabi nitong may pinagdadaanan siya these past few days, base na rin sa mga posts niya.

 

 

Sabi nga niya, Hindi po nya binebenta ito. Pero ilang araw na ako pinagluluto ng kapatid kong si Juday @officialjuday para daw lumakas at gumaling ako agad! Tulad ng pinakamasarap na Chicken Curry sa mundo na gawa nya and alam nyang paborito ko. Nung isang araw naman champorado, arroz caldo, at lahat na yata ng paborito ko pinagbuhusan niya ng panahon at pagod para lang sa akin.

 

 

Mayat-maya tinetext nya ako. Nung isang araw magkafacetime kami. Iba si Juday sa puso at buhay ko. Hanggang kabilang buhay magkasama at magdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me.”

 

 

     Sinagot naman ito ni Juday nang, Feel better soon my ate.. basta kumain ka lang , i’ll take care of you kahit hanggang sa pagkain lang muna… just promise me that you will take care of yourself as well.. i love you ate.. im just here no matter what.“

 

 

Hindi naman sinasabi  ni Sharon kung ano ba ang sakit o pinagdadanan niya ngayon kaya marami sa mga followers niya ang nagtatanong at nag-aalala. (ROSE GARCIA)

Other News
  • DSWD, may nakahanda ng tulong bilang paghahanda sa pagputok ng Bulkang Taal -PDu30

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mayroon nang nakahandang tulong ang social welfare department sa warehouse nito bilang paghahanda sa pagputok ng Bulkang Taal.   “‘Pag pumutok ‘yang Taal, meron na doon, naka i-station na ang mga tulong nila,” ang pagtiyak ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa isinagawang inagurasyon ng Light Rail Transit […]

  • Kinumpirma ng DOF na hindi pa bayad ang mga Marcos sa utang nilang estate tax

    TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) patungkol sa hindi pa nakukulektang estate tax ng personalidad na hindi niya pinangalanan — ito habang naiipit ang pamilya ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa P203.8 bilyong estate tax issue.     Nabanggit ng pangulo ang isyu habang ipinagtatanggol ang […]

  • LTFRB: Pinayagan ang nakatayong pasahero sa mga PUVs

    NAGLABAS  ng isang memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) na pinapayagan na magkaroon ng mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong transportasyon.       Kasama sa pinayagan ang mga pasahero sa mga buses at modern jeepneys. Ayon sa LTFRB ay naaayon ng payagan na magkaroon ng tayuan sa mga pampublikong transportasyon […]