• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, nag-react sa basher at okay lang pintasan sila ni SEN. KIKO basta nakatutulong

NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ng video ng pagtulong ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan sa mga kababayan sa Porac.

 

 

Caption niya: “Sabi ko kay Kiko, dapat nilalabas niya ang mga ginagawa niyang pagtulong, kasi laging patago! Di yung puro pang-file lang para makita ng mga apo namin pagdating ng araw! Di tuloy alam ng tao.  

 

 

Pati pagtulong nila ni Kakie (si Frankie, eldest daughter nila ni Sen. Kiko) at pagpunta sa mga kababayan natin nung sumabog ang Taal, wala yatang nakaalam.

 

 

   “Di kasi kami ganon’n talaga. Pero sa mga panahong ganito, baka maka-inspire sa ibang kababayan nating na tumulong din kahit paano. God bless us all! Lots of love sa inyong lahat!”       

 

    

Kung maraming umayon kay Sharon, dapat talagang ipakita, may mga nang-bash din, kaya sinagot niya ito: “This is the first video I have posted on what he has done among hundreds, or even thousands that are just filed. Ang hirap sa tao, pag di nakikitang may ginagawa ka, pintas. Pag may nakita pintas pa rin. Pero okay na sa amin yung pintasan basta MAY ITINUTULONG!

 

 

***

 

MARAMING actor ang nag-wish na sila ang gumanap sa role ni Steve Armstrong nang i-announce ng GMA Network na muli nilang gagawin ang Philippine adaptation ng Voltes V na ngayon ay titled nang Voltes V: Legacy. 

 

 

Ang mga fans may kani-kaniyang gustong Kapuso actor na gumanap sa role, pero isang malaking break ang ibinigay ng network at ni Direk Mark Reyes kay Miguel Tanfelix, at ito na siguro ang biggest role niyang gagampanan sa kanyang career.

 

 

   “Si Steve, leader siya eh, so dapat alam ko kung paano umasta bilang isang leader, paano iyong confidence,” sabi ni Miguel sa interview sa kanya ng 24 Oras.

 

 

“Dapat po ay alam ko ang responsibilities that come with it.  Sa ngayon po ay dumaraan ako sa physical training, and I’m listening to podcasts and reading up on books regarding leadership.”

 

 

Hindi bago kay Miguel ang pagganap sa mga roles na ganito, at ang isang malaking role na nagampanan niya ay ang telefantasiya na Mulawin, na hanggang ngayon ay nakatatak sa kanya at muli niyang ginagampanan ito kapag may telefantasiyang ginagawa ang GMA, tulad nang gawin muli ang Encantadia.

 

 

Lahat ng cast members ngayon ng Voltes V: Legacy ay under training at naka-schedule sila sa lock-in taping by March, 2021.

 

 

***

 

 

NGAYONG hapon na ang grand finale ng top-rating GMA Afternoon  Prime series na Prima Donnas, kaya marami nang naghihintay kung paano magtatapos ang serye na tampok ang tatlong donnas, sina Jillian Ward (Mayi), Althea Ablan (Ella) at Sophia Pablo (Lenlen,  na hindi na natapos ang fresh episodes dahil hindi siya pwedeng magtrabaho since wala pa siyang 15 years old.)

 

 

Gusto ring malaman ng mga netizens kung ano ang magiging huling pasabog ni Kendra (Aiko Melendez), na pasasabugin niya ang Donaria crown, dahil gusto niyang mamatay ang lahat ng mga Claveria; Lady Prima (Chanda Romero), Jaime (Wendell Ramos), Lilian (Katrina Halili) at sina Mayi at Ella.

 

 

Paano ang tunay niyang anak na si Brianna (Elijah Alejo), makaliligtas ba siya?

 

 

Napapanood ang Prima Donnas ng 3:25PM, pagkatapos ng Magkaagaw sa GMA-7.  (NORA V. CALDERON)

Other News
  • P20/kilong bigas posible sa ‘unang bahagi ng 2023,’ sabi ng DAR chief

    KUNG SUSUNDIN ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mungkahi ng Department of Agrarian Reform (DAR) patungkol sa isang “mega farm project,” iginigiit ng kagawaran na posibleng makatikim ang publiko ng P20/kilong bigas kahit sa maagang yugto ng 2023.     Ito ang sinabi ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz, Lunes, sa isang press conference […]

  • Pagbabawas sa bilang PNP generals, irerekomenda ng DILG

    IREREKOMENDA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng mga police generals mula sa mahigit na 130 ay maging 25 na lamang.   Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng ‘top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato […]

  • PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

    WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.   Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.   Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang […]