• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, nag-react sa basher at okay lang pintasan sila ni SEN. KIKO basta nakatutulong

NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ng video ng pagtulong ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan sa mga kababayan sa Porac.

 

 

Caption niya: “Sabi ko kay Kiko, dapat nilalabas niya ang mga ginagawa niyang pagtulong, kasi laging patago! Di yung puro pang-file lang para makita ng mga apo namin pagdating ng araw! Di tuloy alam ng tao.  

 

 

Pati pagtulong nila ni Kakie (si Frankie, eldest daughter nila ni Sen. Kiko) at pagpunta sa mga kababayan natin nung sumabog ang Taal, wala yatang nakaalam.

 

 

   “Di kasi kami ganon’n talaga. Pero sa mga panahong ganito, baka maka-inspire sa ibang kababayan nating na tumulong din kahit paano. God bless us all! Lots of love sa inyong lahat!”       

 

    

Kung maraming umayon kay Sharon, dapat talagang ipakita, may mga nang-bash din, kaya sinagot niya ito: “This is the first video I have posted on what he has done among hundreds, or even thousands that are just filed. Ang hirap sa tao, pag di nakikitang may ginagawa ka, pintas. Pag may nakita pintas pa rin. Pero okay na sa amin yung pintasan basta MAY ITINUTULONG!

 

 

***

 

MARAMING actor ang nag-wish na sila ang gumanap sa role ni Steve Armstrong nang i-announce ng GMA Network na muli nilang gagawin ang Philippine adaptation ng Voltes V na ngayon ay titled nang Voltes V: Legacy. 

 

 

Ang mga fans may kani-kaniyang gustong Kapuso actor na gumanap sa role, pero isang malaking break ang ibinigay ng network at ni Direk Mark Reyes kay Miguel Tanfelix, at ito na siguro ang biggest role niyang gagampanan sa kanyang career.

 

 

   “Si Steve, leader siya eh, so dapat alam ko kung paano umasta bilang isang leader, paano iyong confidence,” sabi ni Miguel sa interview sa kanya ng 24 Oras.

 

 

“Dapat po ay alam ko ang responsibilities that come with it.  Sa ngayon po ay dumaraan ako sa physical training, and I’m listening to podcasts and reading up on books regarding leadership.”

 

 

Hindi bago kay Miguel ang pagganap sa mga roles na ganito, at ang isang malaking role na nagampanan niya ay ang telefantasiya na Mulawin, na hanggang ngayon ay nakatatak sa kanya at muli niyang ginagampanan ito kapag may telefantasiyang ginagawa ang GMA, tulad nang gawin muli ang Encantadia.

 

 

Lahat ng cast members ngayon ng Voltes V: Legacy ay under training at naka-schedule sila sa lock-in taping by March, 2021.

 

 

***

 

 

NGAYONG hapon na ang grand finale ng top-rating GMA Afternoon  Prime series na Prima Donnas, kaya marami nang naghihintay kung paano magtatapos ang serye na tampok ang tatlong donnas, sina Jillian Ward (Mayi), Althea Ablan (Ella) at Sophia Pablo (Lenlen,  na hindi na natapos ang fresh episodes dahil hindi siya pwedeng magtrabaho since wala pa siyang 15 years old.)

 

 

Gusto ring malaman ng mga netizens kung ano ang magiging huling pasabog ni Kendra (Aiko Melendez), na pasasabugin niya ang Donaria crown, dahil gusto niyang mamatay ang lahat ng mga Claveria; Lady Prima (Chanda Romero), Jaime (Wendell Ramos), Lilian (Katrina Halili) at sina Mayi at Ella.

 

 

Paano ang tunay niyang anak na si Brianna (Elijah Alejo), makaliligtas ba siya?

 

 

Napapanood ang Prima Donnas ng 3:25PM, pagkatapos ng Magkaagaw sa GMA-7.  (NORA V. CALDERON)

Other News
  • MARIAN, number one sa list ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook; nagpasalamat sa more than 25 million followers

    MASAYANG ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa kanyang Instagram Stories ang magandang balita na pinost ng dailypedia.net.     Ayon sa report si Marian ang nasa No. 1 spot ng listahan ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook as of July 2021.     Labis-labis nga ang pasasalamat ng asawa ni Kapuso Primetime […]

  • Maagang pagboto ng mga seniors, PWDs, abogado, human resources for health, aprub sa Kamara

    INAPRUBAHAN sa ikatlo at pinal na pagpasa ng kamara ang panukala para sa maagang paboto ng mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abogado at human resources for health sa national at local elections.     Sa botong 259, ipinasa sa plenaryo ang House Bill 7576, na pinagsama-samang 15 magkakahiwalay na panukala na inihain […]

  • Pekeng sex video ng anak ni Robredo kinondena

    KINASTIGO ng kampo ni 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang diumano’y kumakalat na online links patungkol sa “mahahalay” na video diumano ng anak niyang si Aika — bagay na wala raw katotohanan.     Lunes nang kumalat ang naturang mga ulat. Sa kabila nito, walang laman ang mga naturang link na lumalabas […]