SHARON, nagbiro na handa nang kunin ni Lord ‘pag nakilala si KEANU REEVES; naglambing kina MANNY at JINKEE
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAALIW kami sa IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan pinasalamatan niya si Sen. Manny Pacquiao sa binigay nito sa inaanak na si Miguel na masayang-masaya.
Caption niya, “My son Miguel is over the moon right now! His godfather/Ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!!! Thanks so much, Pare and Mareng Jinkee!!!”
Pero may hirit si Mega na, “Ako pare at mare pag nag-isip kayo ever ng ano ba puede I-gift sakin, puede makilala ko lang si Keanu Reeves tapos handa na ako kunin ni Lord! Hahahaha!.
“Thanks so much for making my son so happy! We love you!!!@jinkeepacquiao.”
Kaya naman nag-react ang followers ni Sharon.
Sey nila, “ang cute mo ma!! Lakas ng tama mo po kay keanu reeves.”
“nakuuu! KEANU wag kang magpapakita sa mama namin ha pakiusap! haha sorry mama i love u po.”
“I saw him so many times in Celebrity tour houses in Los Angeles , he’s a good looking guy, when we saw him he just waved.”
Last December, inamin ni Sharon na muntikan na siyang gumastos ng higit na P3.3 million ($70,000) para sa sikat na Hollywood actor, dahil isa siya sa nag-bid sa auction ng charitable organization na matagal nang sinuportahan ng hinahangaang aktor. Pero natalo siya at nawala ang chance na ma-meet ng personal si Keannu.
Samantala, nag-post din si throwback photo ni Sharon bilang pagsuporta kay Frankie Pangilinan na patuloy na binabatikos, may caption ito na, “Love and light, our dearest, most precious, beautiful and talented daughter, KAKIE! Your music is awesome!!! We and millions of people out there love you so much.”
Dagdag post pa ni Mega, “Not engaging! Unlike other people we do not fight dirty.”
May nag-react naman na isang basher at comment nito na, “not engaging” yet you still comments on your own post Ano ba talaga??? Pinefeed mo lang din mga bashers ng anak mo, ninyo rather. Just accept the fact na di kagalingan anak mo. I get it, you’re a mom, you want to boost your daughter’s confidence pero it will also help her if honest ka sa kanya, maybe then she will learn to accept criticism.”
Na sinagot naman ng followers ni Mega na, “hala sya!galit na galit gustong manakit? kalma di ka nila inaano!”
“wag ka na umasang papansinin ka ni Mega. Masyadong mababa ang level mo. Stop spreading bad vibes!” (ROHN ROMULO)
-
Djokovic nabigyan ng medical exemptions para makapaglaro na sa Australian Open
Nabigyan ng medical exemption si Serbian tennis star Novak Djokovic para maidepensa niya ang kaniyang Australian Open title. Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng world number one na siya ay makakapaglaro sa opening Grand Slam event matapos matanggap ang medical exemption mula sa pagpapabakuna laban sa COVID-19. Dahil dito ay […]
-
CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility
HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan. Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno. […]
-
BLACK DIABLOS RISE IN FIRST ‘MONSTER HUNTER’ TEASER TRAILER
FANS of the ‘Monster Hunter’ game franchise will be hyped by this teaser! She’s found her prey. Watch out for the Black Diablo in the first tease for Columbia Pictures’ upcoming fantasy action thriller Monster Hunter, in Philippine cinemas soon. https://www.youtube.com/watchv=wnHSjV1c0Ss&feature=emb_logo Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written […]