• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, nakabalik na at inamin na may matinding pinagdaraanan kaya humihiling na ipagdasal

AFTER two months na vacation sa Amerika, nakabalik na ng bansa si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

First day of August siya dumating at ngayon ay sumasailalim pa sa mandatory 10-day quarantine sa isang bonggang hotel.

 

 

Sa kanyang Instagram post, “Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. Same building as our home, but in the other half where the hotel is. I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me.

 

 

Pero kahit safe na safe na nakabalik ng bansa si Mega, ‘di niya itinago na merong matinding pinagdadaanan at hinihiling niya na patuloy siyang ipagdasal.

 

 

Ayon sa kanya, “Going through so much so please pray for me. Kahit talaga anong tino ng pamumuhay mo, magkakaroon ka pa rin ng problema. Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I have lifted everything up to Him and I trust in Him completely. Lilipas din lahat ito! 

 

 

Ibinahagi rin niya sa latest IG post ang welcome banners na ginawa ng kanyang mga anak, pati na ang bouquet of roses na may sweet note na binigay ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan. 

 

 

Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso. I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon,” pagpapatuloy pa ni Mega.

 

 

Panghuli, ‘di niya nakalimutang i-promote ang comeback movie niya sa Viva Films na mapapanood sa Vivamax, mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.  

 

 

Pagtatapos pa ni Sharon sa kanyang post, Excited na po ba kayo sa “Revirginized?!!!” Ako super! August 6 na po! Love you all and God bless all of us.”

 

 

***

 

 

MAHALAGA ang kalusugan ng pag-iisip kaya ito ang dahilan kung bakit pinili ng KonsultaMD si Kylie Verzosa, Miss International 2016 at tagapagtatag ng Mental Health Matters (MHM), bilang kampeon nito para sa mental health.

 

 

Nais ng dalawang panig na magbigay ng suporta sa kalusugan ng kaisipan at kamalayan sa mas maraming mga Pilipino. Normal lang na makaramdam ng hirap at kalungkutan lalo na kapag nahaharap sa matinding hamon tulad ng isang pandemya. Gayunpaman, sa tulong ng mga kaibigan, kasamahan at kapareha tulad ng MHM at KonsultaMD, hindi kinakailangang labanan ang mga ito nang mag-isa.

 

 

Itinatag noong 2017, nilalayon ng MHM na itaas ang kamalayan at alisin ang hindi magandang pagtingin na nakapalibot sa mental health at mental illness sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga magulang, paaralan, at kumpanya. Ang samahan ay laganap na sa buong Pilipinas.

 

 

  Ang mga nangangailangan ng suporta ay maaaring makatanggap ng LIBRENG konsulta sa loob ng isang buwan sa pamamagitan ng pag-download ng KonsultaMD app at paglalagay ng “KMDKylie” bilang voucher code, at pagpindot sa “2” para sa mental health assistance kapag tumatawag sa hotline ng KonsultaMD.

 

 

  “Ang depresyon ay isang karamdaman na kailangang gamutin.  Alam kong kailangan nito ang matinding pagsisikap. Kailangan nito ng will power. Mahirap pero kailangan mong ibangon ang iyong sarili mula sa kama; one day at a time. Maaaring ang pagsisipilyo at pagligo ay maliit na bagay lang pero isa na itong tagumpay,” ayon kay Verzosa.

 

 

“Ang pagkakaroon ng access sa telehealth para sa mental wellness ay mahalaga lalo na ngayon. Tulay ang telehealth para maserbisyuhan ang mga liblib na lugar kung saan walang mga nakatira o naka destinong doktor.

 

 

Sa pamamagitan ng KonsultaMD, maaari kang kumunsulta sa doktor anumang oras, kahit saan sa pamamagitan ng voice o video, sabi ni Cholo Tagaysay, KonsultaMD Chief Executive Officer.

 

 

Ang KonsultaMD ay isang serbisyo sa telemedicine na bukas 24/7.  Ito ay nasa ilalim ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate venture builder sa bansa at buong-pagmamay-ari ng Globe. Pinamamahalaan ito ng mga lisensyadong doktor na nagbibigay ng pangangalaga ng kalusugan, suporta sa mental wellness, at mga serbisyong pangkaisipan at sikolohikal.

 

 

Ito ay sa pamamagitan ng mga voice calls o video na pwedeng gawin anumang oras at kahit saan. Nag-aalok din ang app ng mga e-prescription, kahilingan sa e-laboratory, at e-medical certificate.

 

 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa KonsultaMD, bisitahin ang https://www.konsulta.md/

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 9% poverty incidence rate, target ng Marcos admin

    TARGET ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na maging 9% ang poverty incidence rate bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.     Sa isang panayam sa pagdaraos ng “Collective Efforts in Poverty Alleviation’ Forum sa Makati City, sinabi ni Gadon na kayang tugunan ng gobyernong Marcos na malansag […]

  • US tennis star Coco Gauff napiling maging flag bearer sa Olympics

    NAPILI si US women’s tennis star Coco Gauff na isa sa magiging flag bearer ng America para sa opening ceremony ng Paris Olympics.       Makakasama niya si NBA superstar LeBron James.       Ang 20-anyos na tennis player ay itinuturing na pinakabatang flag-bearer sa kasaysayan ng US sa Olympics.       […]

  • PDu30, pinakiusapan ang mga NPA na huwag harangin ang mga bakuna laban sa COVID-19

    SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga manggagawa ng pamahalaan na tiyakin na magiging maayos ang delivery ng COVID-19 vaccines sa oras na dumating na ito sa bansa. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na hindi dapat buksan ng Bureau of Customs ang containers na may lamang bakuna. Idinagdag […]