• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, naliligo at nagsu-swim kasama ang luxury watches

PINAKITA na ni Megastar Sharon Cuneta ang part 2 ng kanyang pinag-uusapang mega watch collection sa kanyang vlog na ‘The Sharon Cuneta Show’ sa YouTube.

 

In-upload nga ni Mega ang part 1 ng collection noong Sep- tember 16 na meron ng 379,590 views na kung saan ilan sa pinili niya ay yun may meaning at may maganda stories na gusto niyang i-share, bukod pa sa pag-amin niya na investments din ang pagbili ng mamahaling relo na kanyang kinababaliwan.

 

Repost ni Sharon noong October 7, ilang oras bago ito i-upload sa kanyang youtube channel, “Here’s what you’ve been wait- ing for, Part 2 of My Watch Col- lection! Coming tomorrow, only here on the Sharon Cuneta Network = #SharonCunetaNetwork #SharonCuneta.”

 

Pinasilip nga ni Sharon ang luxury watches at ilan dito ang Bvlgari, Rolex, Cartier, Piaget na punum-puno ng mamahaling bato.

 

Nag-react naman si Angel Locsin at taas-kamay na sabi niya, “Grabe ang collection!”

 

Ilan pa sa reactions: @gigi_czarny, “Yahoo!!! Another upload. Will watch the watches again.

 

@revelyncabot, “Naku naku bashers pasok @ maharlika cno n ung kalbo banatby ba un lol ayan n nmn lol”

 

@silent_fan12, “Yaaaasss! So excited to watch the Part 2 of your watch collection! Thank you!”

 

@dumanzledam, “Oh great & thanks for sharing as I love watches too.” Opinyon naman ni @rhoxzytan, “No one can fault you for buying something expensive. Kasi pinaghirapan mo yan” -Sharon Cuneta

 

“Pero Grabe! Isang relo nya may sarili n cguro kmi bahay. GodBless Ms Sharon.”

 

Katulad ng pinili niya sa part 1, may story behind sa mga luxury watches na napili niyang i-share sa kanyang mga tagahanga, pati na rin sa mga bashers.

 

Ang solid gold Bvlgari watch ay tinawag niyang Honeymoon Watch. Ang gold Rolex watch pala ang ginamit niya sa Madrasta.

 

Ang favorite ng mga Sharonians at fave din niya ay Cartier Pasha na may diamond grid na natatanggal.

 

Pinakita rin niya ang gold Rolex with diamonds na niregalo niya sa kanyang Daddy Pablo Cuneta.

 

Isa rin sa favorite watch niya ang Franck Muller na may diamonds din, kasama dito ang kanyang Happy Watch na regalo niya sa kanyang birthday.

 

May isa pang nakakaluha sa kanyang collection ang Rolex Datejust na punum-puno ng diamonds at rubies na mula sa isang royalty.

 

At ang isa sa pinaka-expensive na watch niya na may diamonds at sapphires ang Vacheron Constantin.

 

Pinakita rin niya ang kanyang concert watch ang Piaget Limelight Model na made of platinum at diamonds.

 

Isa pa sa revealtion ni Sharon, “I swim and I take a bath and I take shower’s with my watches on.”

 

Well, deadma na lang mga bashers, ang importante ay tiyak na matutuwa ang mga Sharonians na sa latest blog na ito ni Sharon. (Rohn Romulo)

Other News
  • House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers

    Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot […]

  • Infra program ng administrasyong Marcos: Nabawasan, naging P8.2 trillion na lang

    PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin  ng economic team ang inulit lamang na proyekto.     Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.     “The total investment value, we used […]

  • Aabangan ng netizens kung sino ang tinutukoy sa tweet: POKWANG, may reresbakan na matandang walang pinagkatandaan

    NAGKAROON ng online mediacon para sa Argentinian movie na “Pasional” kunsaan ay pinagbibidahan ito ng Kapuso actress na si Andrea Torres.     Humarap via zoom si Andrea kasama ang cast at production ng movie since katatapos lang nilang mag-shooting sa ilang beaches sa Pilipinas tulad ng Palawan .     Sabi nga namin kay […]