SHARON, posible na isa sa surprise guest star para sa 6th anniversary ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, LORNA at ROSANNA, nagkabati na dahil sa serye
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
EXCITED ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta sa chika na baka isa ang megastar sa surprise guest star for the 6th anniversary ng long-running action-serye na FPJ’s Ang Probinsyano.
Kalat na kalat sa social media ang chika na may isang big star na lalabas sa FPJAP at ang hula ng mga fans ni Sharon ay ang megastar ito.
Gaano kaya katotoo ang tsismis na ito?
Nasa FPJAP kasi ang ilan sa mga friends ni Sharon namely Rowell Santiago, Lorna Tolentino, at Rossana Roces, pati si John Arcilla na leading man niya sa horror film na Kuwaresma.
We checked Sharon’s IG account pero wala siyang post tungkol sa possible guest appearance niya sa FPJAP. Pero if ever matutuloy ito, it’s going to be a milestone sa history ng FPJAP.
Bihirang mag-guest si Sharon sa isang teleserye. The closest she did to a teleserye ay ‘yung lumabas siya sa Maalaala Mo Kaya, kung saan una siyang dinirek ni Chito Rono.
Nakaabang na ang mga fans ni Shawie sa confirmation tungkol sa chikang ito. Pero so far ay wala pa kaming nababasa na anumang balita na pwedeng mag-confirm na true nga ang chikang ito.
***
MAGANDANG balita rin ‘yung nagkabati na sina Lorna Tolentino at Rossana Roces matapos ang matagal nilang tampuhan years ago.
Damay sa tampuhan iyon ang yumaong action star na si Rudy Fernandez who was linked to Osang kaya nagkaroon ng lamat ang kanilang friendship.
Pero kasabihan na time heals all wound kaya noong nagkita sina Osang at LT sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano ay humingi ng tawad si Osang kay LT, na tinanggap naman nito.
Sabi pa ni LT na matagal na niyang pinatawad si Osang.
Hindi napigilan ni Osang ang maiyak.
Maging si Coco Martin ay natuwa nang malaman na nagkabati na ang dalawa.
***
FOR the second time ay napanood namin ang Gameboys The Movie sa farewell screening nito.
Akala namin it won’t have the same effect on us kasi na-watch namin ito pero naiyak pa rin kami. And it was even better on second viewing.
After the screening ay may chikahan with the cast kung saan nagpasalamat sila sa mga fans nila all over the world na nanood and made the series and the movie a big hit.
Nagpasalamat din sila sa mga press people, bloggers, vloggers and iba ang sumuporta sa kanila to make the series and the movie known to everyone.
May patikim din ang The IdeaFirst Company dahil ipinakita nilang trailer ng Season 2 ng Gameboys The Series, na first time din lang nakita ng cast namely Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto.
Binalikan ng cast ang masaya alaala ng kanilang taping and how they miss each other since bihira na silang magkita.
Wala pang announcement kung kailan bubuksan ang Season 2 ng Gameboys The Series kaya abang-abang na ang uli tayong mga supporters ng phenomenal BL series.
(RICKY CALDERON)
-
Sen. De Lima pinayuhan si Pres. Duterte na tutukan na lamang ang problema sa COVID-19
Sinagot ni Senator Leila De Lima ang naging patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos na halos siya ang naging laman ng address to the nation ng pangulo nitong Lunes ng gabi. Sa kanyang Twitter sinabi ng senador na marami na ang namamatay dahil sa COVID-19 ay kung […]
-
Naungusan na ang movie nina Kathryn at Alden: ‘Rewind’ nina DINGDONG at MARIAN, hawak na ang ‘highest-grossing Filipino film of all time’
ANG 2023 Metro Manila Film Festival entry na Rewind, na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang may hawak na ng record bilang ‘highest-grossing Filipino film of all time’ in domestic box office sales, na kumita na ng P815 million as of January 17. Ayon ito sa pinost ng Star Cinema sa […]
-
NAGPANGGAP NA REPORTER, ARESTADO SA VALENZUELA
KALABOSO ang 57-anyos na lalaki na nagpakilalang miyembro ng media matapos manghingi ng pera sa isang barangay opisyal kapalit umano ng magandang write up sa mga aktibidad ng kanilang barangay sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong Estafa at paglabag sa BP.6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) ang suspek na kinilala bilang si Edwin […]