Sharpshooter guard Evan Fournier, aalis na sa NBA matapos ang 12 season
- Published on September 7, 2024
- by @peoplesbalita
AALIS na si Evan Fournier sa National Basketball Association(NBA) matapos ang 12 season na paglalaro.
Sa kasalukuyan ay isang unrestricted free agent si Fournier matapos niyang tanggihan ang alok sa kanya ng Detroit Pistons na $19 million contract para sa 2024-2025 season.
Noong Pebrero 2024, napunta siya sa Detroit bilang bahagi ng Bojan Bogdanovic deal ngunit pinili nitong pasukin ang free agency.
Batay sa opisyal na report ng NBA, maglalaro na si Fournier sa Greek powerhouse team na Olympiacos. Una na ring pumirma ng kontrata ang batikang NBA player sa naturang koponan na nagkakahalaga ng $4 million para sa dalawang taon.
Sa mga unang season niya sa NBA, nagawa niyang mag-average ng career-high na 18.5 points per game ngunit matapos siyang mapasama sa ilang trade deal ay dahan-dahan ding bumaba ang kanyang naipapasok na points per game.
Siya ay bahagi ng NBA draft 2012 at pinili ng Denver Nuggets bilang first-round pick. Hindi naman siya nagtagal sa Nuggets at napunta sa Orlando Magic kung saan niya ginugol ang ilang taon.
Mula sa Orlando, napunta siya sa Boston Celtics ngunit kinalaunan ay tuluyan ding na-trade sa New York Knicks.
Habang nasa Knicks, nagawa niyang itala ang franchise record para sa pinakamaraming 3-pointer sa isang seaon – 241.
Nitong nakalipas na 2024 Olympics, naging bahagi si Fournier ng French basketball team at nag-ambag siya ng 9.8 ppg at 2.2 apg.
-
Fil-Japanese golfer Yuka Saso nasa pangatlong puwesto sa may pinakamaraming nalikom na premyo
Nasa pangatlong puwesto ngayon si Filipino-Japanese golf star Yuka Saso na may pinakamaraming napanalunang premyo sa torneo ng golf. Ayon sa The Ladies Professional Golf Association (LPGA) Money List na mayroong $1,214,954 ang nakuhang premyo ni Saso. Nanguna naman sa listahan si Nelly Korda ng US na mayroong $1,941,977 at pangalawa […]
-
Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics
Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod. […]
-
Ravena inalok na maglaro sa liga ng Japan – Guiao
Ibinunyag ni NLEX head coach Yeng Guiao na inalok ang kanilang point-guard na si Kiefer Ravena na maglaro ng basketball sa Japan. Sinabi nito na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ni Ravena noong Disyembre tungkol sa nasabing alok. Dagdag pa nito na makailang beses na siyang kinausap ni Kiefer tungkol sa offer. […]