Shohei Ohtani nagmalupet kontra Australia
- Published on March 14, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI pa tapos ang pasiklab ni Shohei Ohtani sa World Baseball Classic, nag-deliver ito ng three-run homer na bumagsak sa ibaba lang ng sarili niyang imahe sa video advertising board sa Tokyo Dome para ihatid ang Japan sa 7-1 win kontra Australia nitong Linggo.
Naglayag ang kanyang first-inning drive ng 448 feet, dalawang beses din siyang niregaluhan ng walk at may apat na RBIs.
Nangibabaw ang Japan sa Group B sa 4-0 card, haharapin sa quarterfinals sa Huwebes ang Italy.
Abante ang Italy, kasama ang Cuba, mula Group A sa bisa ng tiebreakers, suumakay ang Italians kay Matt Harvey para kalusin ang Netherlands 7-1, tinalo naman ng South Korea ang Czech Republic 7-3 sa Group B, tinabunan ng Cuba ang Taiwan 7-1 sa Group A. (CARD)
-
Allysa Valdez bumandera sa national team na sasabak sa SEA Games
BUMANDERA ang pangalan ni Alyssa Valdez sa volleyball player na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), makakasama niya ang isa pang volleyball star na si Jia Morado, Jaja Santiago at Kalei Mau. Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara na mayroong […]
-
QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras
ISANG order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras. Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]
-
Mababa sa 0.0013% ng 9-M fully vaccinated Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 – FDA
Iniulat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga “breakthrough COVID-19 infections” sa mga indibidwal sa kabila na sila ay mga nabakunahan pero ito ay maliliit lamang na bilang o porsyento. As of August 1, mayroong 116 kaso ng COVID infection sa mga indibidwal na fully vaccinated kung saan 88% dito ay mild […]