Sigaw ng mga fans ibalik si Baldwin!
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
GUSTO ng mga fans na ibalik ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Tab Baldwin bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
Sa laban ng Gilas Pilipinas at New Zealand noong Linggo sa FIBA World Cup Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum, ilang fans ang sumigaw para ibalik si Baldwin.
Mayroong sumigaw ng “we want Baldwin” habang ang ilan naman ay humihiyaw ng “ibalik si Baldwin.”
Matatandaang nagbitiw si Baldwin bilang program director ng SBP kung saan idinahilan nito na nais nitong ituon ang kanyang pansin sa paghahanda ng Ateneo Blue Eagles sa nalalapit na pagbubukas ng UAAP Season 84.
Kaya naman itinalaga ng SBP si Chot Reyes bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
Sa pagbabalik ni Reyes sa Gilas, nagtala ito ng 1-1 rekord.
Naipanalo ng Gilas ang laro nito laban sa India ngunit yumuko ang Pinoy squad sa New Zealand sa kanilang sumunod na laro.
Inihayag ni SBP president Al Panlilio kamakailan na makikipag-usap ito kay Baldwin matapos ang hosting ng FIBA World Cup Qualifiers.
Wala pang linaw kung ano ang magiging teksto ng pag-uusap at kung kailan magaganap ang meeting.
-
Matindi lang ang eksena ni Rio na kinunan: RURU, nilinaw na fake news ang kumalat na walang medic sa set ng ‘Black Rider’
NANANATILING solid at loyal na Kapuso si Michael V. sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA. At dahil marami-rami na rin siyang nagawang proyekto para sa GMA, natanong ang comic icon kung handa na rin kaya siyang bumalik sa pagho-host ng variety o game show? “Parang hindi pa time,” lahad […]
-
Sila ang itatapat ng Siyete sa ‘Eat Bulaga’: VICE, tila may pahiwatig na sa posibleng paglipat ng ‘It’s Showtime’
MULA sa ABS-CBN insider ay nalaman naming on going ang negosasyon sa posibilidad na paglipat ng “It’s Showtime “ sa GMA-7. Kung maging positibo ang pag-uusap ngayon between ng management ng GMA at ng mga big boss ng mga namamahala ng programang “It’s Showtime” ay sa Kapuso channel na ito mapapanood hosted by Vice Ganda, […]
-
MM mayors wala pang rekomendasyon sa IATF
Wala pang nabubuong consensus ang mga alkalde sa Metro Manila kung kanila bang irerekomenda o hindi ang pagpapalawig nang modified enhanced community quarantine status (MECQ) sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos Jr., maraming kinukonsidera sa kanilang magiging desisyon ang mga alkalde sa NCR kabilang na […]