• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Signal jamming, no fly zone ipatutupad sa Traslacion 2024

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chiefGen. Benjamin Acorda Jr. na ipapatupad ang signal jamming at no fly zone sa lungsod ng Maynila sa mismong araw ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

 

 

Ayon kay Acorda, walang oras kung kailan magsisimula at magtatapos ang signal jamming at no fly zone dahil nakadepende umano ito sa threat assessment na ipaparating ng Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

 

 

Kasama aniya ito sa mga tinalakay sa isinagawang security cluster meeting sa Palasyo ng Malacañang, kahapon ng umaga kasama ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan.

 

 

Tiniyak din ni Acorda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutukan at tiyaking nilang ligtas, tahimik at mapayapa ang pagdaraos ng Traslacion 2024.

 

 

Nauna nang sinabi ni Acorda na halos 14,000 na mga pulis ang kanilang ipapakalat mula sa ­Quirino Grandstand, rutang daraanan ng Traslacion hanggang sa Basilica Minor ng Poong Itim na Nazareno sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng prusisyon.

 

 

Nabatid na nakipag-usap na rin si Acorda kay Manila Police District (MPD) Director Police Col. Thomas Ibay upang mabantayan ang tinatayang nasa mahigit 2.5 milyon deboto na inaasahang dadalo sa kahabaan ng Quiapo church hanggang sa iikutan ng prusisyon.

Other News
  • DATING COMELEC CHAIRMAN, SIXTO BRILLANTES, PUMANAW NA

    PUMANAW na si dating Commission on Election (Comelec) Chairman Sixt Brillantes. . Ayon kay Comelec Spokespeson James Jimenez, pumanaw si Brillantes dakong  alas-11:08 ng umaga ngayong Martes, August 11. Namuno itong Comelec Chair noong Enero 2011 hanggang Pebrero 2015 . Sa kasagsagan ng pandemiya,  si Brillantes ang iniulat na tinamaan ng sakit na COVID-19. Sa […]

  • Pacquiao todo pasalamat sa pagbasura ng korte sa kanyang P2.2-billion tax case, giit na ‘napolitika’ lamang siya

    MISTULANG  nabunutan ng tinik si dating Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos ibinasura na ng Court of Tax Appeals ang tax case nito.     Ipinaabot ni ex- Pacquiao ang kanyang pasasalamat dahil lumabas na rin aniya ang katotohanan.     Inihayag nitong napolitika umano siya noon kaya nagkaroon ng nasabing isyu.     At […]

  • Ugas handang bigyan ng rematch si Pacquiao

    Handang bigyan ni Cuban champion Yordenis Ugas si Manny Pacquiao ng rematch.     Sinabi nito na malaki pa rin ang respeto nito sa fighting senator.   Dalawang daan porsyento aniya na ito ay hindi magdadalawang isip na bigyan si Pacquiao ng rematch.     Magugunitang nakuha ni Ugas ang unanimous decision na panalo kay […]