• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Siguradong malapit na ang kasal: Pamilya ni ARJO, namanhikan na sa pamilya ni MAINE

NAMANHIKAN na si Arjo Atayde at ang pamilya niya sa kay Maine Mendoza at sa pamilya nito.
Siyempre, lalo na at isang Bulakenya si Maine, talagang ipinakita naman nina Sylvia Sanchez at ng kanyang mister na si Art Atayde ang nakaugalian o tradisyon na pamamanhikan.
Hindi na ipinakita, pero siguradong napakaraming dalang pagkain nina Sylvia para sa pamilya Mendoza. ‘Di ba’t gano’n naman talaga ‘yon, ang may dala ng mga food ay ang side ng lalaki o groom. Nag-post pa si Sylvia nang malapit na siya sa bahay nila Maine.
Kumpleto ang mga kapatid ni Arjo at ibang kaanak sa pamamanhikan at makikita ang masayang larawan ng dalawang pamilya.
Tikom ang bibig nina Maine at Arjo sa halos lahat ng detalye ng kasal. Pero sigurado, malapit na malapit na ito.
***
SOBRANG bongga at star-studded talaga ang ginanap na binyag at first birthday celebration ng bunsong anak ni Dimples Romana at ng kanyang Mister na si Boyet Ahmee na si Baby Elio.
Ginanap ang selebrasyon sa Blue Leaf, Taguig City noong Linggo at sa labas pa lang, though, uso naman talaga ang mga pa-food booths, pero ibang level ang food booth na inihanda ni Dimples.
Given na ang kanyang ine-endorso na Mang Inasal ay meron, pero, sangkaterba pa na mga Pinoy food treats at may pa-Japanese food din para siguro sa mahihilig sa cuisine na ito.
Dito pa lang, pang-main course na, pero bumaha pa lalo ng pagkain sa main course.  Kaya naman napansin namin na hindi talaga umalis agad ang mga guests at nag-stay.
Naaliw rin sila sa larong pa-BINGO na kahit ang mga artista, game na game na naglaro tulad nina Regine Velasquez, Belle Mariano, Andrea Brillantes, Kaila Estrada, Charlie Dizon, Bea Saw, PJ Endrinal, Paula Peralejo, Bea Alonzo, Melai Cantiveros, Mark Escueta, Jolina Magdangal at iba pa.
Gayundin ang mga ABS-CBN executives na sina Ms. Cory Vidanes at Deo Endrinal.  Si Andrea ay nagtatalon nang manalo ng 1k sa Bingo.
Bilib kaming host ng kanyang party si Dimples dahil napaka-chill lang nito at kahit napakaraming guest, kung ilang beses niya naiikutan ang bawat table para estimahin ang bawat isa. Nag-enjoy ang lahat sa Pinoy themed-party.
Ayon kay Dimples, “Alam mo naman, fan ako ng atin,” nang tanungin namin bakit Pinoy themed ang napili niya since, hindi ito common sa mga pambatang party.
Masayang-masaya si Dimples dahil kumpleto rin silang pamilya sa selebrasyon. Umuwi ang panganay niyang anak, si Callie na nag-aaral ng pagka-piloto sa Australia.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Halos 3-K flights suspendido dahil sa winter storm

    AABOT sa halos 3,000 na flights ang kinansela ng US airlines dahil sa malakas na winter storm na may dalang makapal na yelo ang bumabalot mula Midwest at South.     Labis na naapektuhan ang Chicago O’Hare airport kung saan mayroong 164 flights ang nakansela.     Nasa halos 90 porsiyento naman ng scheduled flights […]

  • NDRRMC, iniimbestigahan ang di umano’y hacking ng official Facebook page nito

    NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang  National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa pinaghihinalaang  security breach hinggil sa  kanilang official Facebook page.     Sa isang kalatas, sinabi ng  NDRMMC na ang kanilang Facebook page  ay na-hacked ng alas-3 ng hapon, araw ng Martes.     Ayon pa sa NDRMMC, nasa proseso na […]

  • PDU30, hiniling sa MMDA na bilisan ang pag- aaral ukol sa inilatag na panukala ng ahensiya

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kung maaari ay paspasan nito ang ginagawang pag- aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag- aaral at mula doon ay marepaso na […]