Siklista ng GFG, papadyak sa 10th Ronda Pilipinas 2020
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
MASISILAYAN ang tikas ng Go for Gold Cycling Team sa pagpedal sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa Pebero 23 sa Sorsogon at matatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur.
Irarrampa ng GFG ang mga batang siklista upang harapin ang hamon ng mga beterano buhat sa mga tigasing kaponan katulad ng Standard Insurance Navy at 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.
Gagabay sa ‘Go ..’ si skipper at veteran cyclist Ronnel Hualda kasama ang mga batang sina Daniel Ven Carino, Jonel Carcueva, Isamel Grospe, Jr., Jericho Jay Lucero, Marc Ryan Lago, Ronnilan Quita at Rex Luis Krog.
“The guys have improved since we first took them and while our target is modest this year, I will not be surprised if we will give the favored teams serious challenge,” sambit sa OD ni Go For Gold coach at team manager Eds Hualda.
Ayon kay Hualda, nakapokus ang team sa misyong makatuklas at makahubog ng mga bagong talento na maaring maging parte ng national cycling team sa hinaharap.
“That has been the goal by GFG since the team was first formed. And we will never stop until we find and make them champions,” wakas na pahayag ani Hualda.
Ihahatid ang 10-stage race ng LBC at sa mga pagsuporta ng Manuel V. Pangilinan Sports Foundation, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX/SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling. (REC)
-
PBBM, binawi na ang state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao
BINAWI na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 55, na nagdedeklara ng state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao. Ito’y matapos na maging maayos at naging mabuti ang peace and order situation doon. Nakasaad sa Proklamasyon Bilang 298 na tinintahan ni Executive Secretary Lucas […]
-
PBBM, imbitado sa WEF sa Switzerland sa Enero 2023
INIMBITAHAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland sa Enero 2023. Ang imbitasyon ay ipinarating kay Pangulong Marcos ni WEF founder at executive chairperson Klaus Schwab sa isinagawang breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia, araw ng Sabado, ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge of the Office of […]
-
‘Laptop anomaly’ sa DepEd, ‘di palalagpasin
HINDI palalagpasin ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) bunsod para maghain na ng resolusyon na nananawagan sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito. Sa Proposed Senate Resolution No. 134, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na may kagyat na pangangailangan […]