SILID-AKLATAN NG PSC BUBUKSAN
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG muling buksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Sports Library sa bansa sa misyon ng ahensiya na mapalawak at mapaangat pa ang edukasyon sa tulong ng mga programa ng Philippine Sports Institute matapos ang Covid-19.
Inihayag ni PSC Chairman William Ramirez, na pangunahing asam ng silid-aklatan na makapatuklas ng scholar athletes at sports scholars habang tampok din ang pagbibigay ng mga makukulay na kasaysayan at impormasyon sa sports-related literature, dokumentaryo at sports development.
“We aim for the rebirth of the Philippine Sports Library so we can cater to our scholars, athletes, sports professionals and enthusiasts who may be needing information resources in the field of sports right at the heart of the city,” saad nitong kamakalawa ng opisyal na isang professor at naging coach din sa Davao City.
Ang library nasa 4th floor ng Building A sa PhilSports Complex sa Pasig City. Pero dahil sa patuloy na situwasyon na general community quarantine pansamantalang isinarado ang pasilidad sapul noong Marso.
Idinagdag naman ni PSI Program Head Abigail Marie Rivera na bibili ang PSC at PSI ng mahigit na 3,000 physical book titles para sa mga Physical Education students, faculty at academic researchers.
“We aim to submit these for approval before December. We are working on finalizing the library’s operations manual and preparing our midterm plan for this facility,” namutawi sa kanya. (REC)
-
Ads February 25, 2023
-
MEGAN, ibinuko ni MIKAEL na mas naaalala pa ang birthday niya kesa sa anniversary nila
NAG-CELEBRATE ng kanilang 11th year anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young. Dalawang taon pa lang silang kasal, pero nine years nilang in-enjoy ang magkaroon ng relasyon sa pamamagitan nang pagbiyahe sa iba’t ibang bansa. Natigil lang ang hilig nila sa pag-travel noong magkaroon ng pandemic noong 2020. […]
-
NO FACE SHIELD NO MASK NO REGISTRATION POLICY
MAHIGPIT na ipatutupad ang “No face mask No face shield, No registration policy” sa pagpapatuloy ng voters registration sa Setyembre 1. Ilan sa mga lugar na magreresume ng voters registration ang Metro Manila na nasa ilalim nan g General Community quarantine o GCQ. Habang ang mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine at […]