SIM Card Registration Act lusot na sa Kamara
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory registration ng mga SIM cards.
Ito ay kasunod na rin ng mga napabalitang paglipana ng spam messages kamakailan na nag-aalok ng trabaho kapalit ng mataas na sahod, na ayon sa National Privacy Commission (NPC) ay mula sa global o international syndicates.
Sa kanilang plenary session ngayong hapon, 181 na mga kongresista ang bumoto nang pabor sa House Bill 5793 o ang SIM Card Registration Act habang anim na mga mambabatas naman ang tumutol dito.
Nakasaad sa naturang panukala na sa pamamagitan nang mandatory registration ng mga SIM cards ay maiiwasan ang anumang krimen o modus na gumagamit ng mga mobile phones na may postpaid o prepaid SIM cards.
Makakatulong din ito sa pagtunton ng mga otoridad sa mga kriminal, katulad na lamang ng mga sangkot sa kidnapping, terorismo at iba pa.
Para maiparehistro ang SIM card, kailangan ng user na makapagpakita ng isang valid ID na may litrato nito.
Kailangan ding ibigay ng user ang ilang mahalagang detalye katulad na lamang ng kanyang pangalan, kaarawan at address.
Papapirmahin din ito sa sang control-numbered registration form na mula sa Public Telecommunications Entity.
Maging mga dayuhan ay obligadong gawin ito kapag sila ay dumating na sa Pilipinas.
-
RHJ, Brownlee muling magtutuos sa Comm’s Cup
HINDI magwawakas sa katatapos lamang na Season 49 PBA Governors’ Cup Finals ang duwelo nina Best Imports Rondae Hollis-Jefferson ng TNT Tropang Giga at Justin Brownlee ng Barangay Ginebra. Muli kasi silang magtutuos sa darating na PBA Commissioner’s Cup na magbubukas sa Nobyembre 27 tampok ang mga imports na may unlimited height. […]
-
CHRISTIAN LAGAHIT, inalala na naging biktima rin ng racial discrimination na ‘di na-experience sa ‘Squid Game’
MINSAN na raw naging biktima ng racial discrimination ang Pinoy actor sa hit Korean series na Squid Game na si Christian Lagahit. Kahit na raw lumalabas siya sa ilang Korean movies at TV series, hindi raw maiiwasan na meron pa ring mag-discriminate sa kanya dahil sa pagiging Filipino niya. Sa naging […]
-
Nag-react agad nang mabasa ang tweets: OGIE, itinanggi na may ‘marital problems’ sila ni REGINE
AGAD na nag-react ang singer-songwriter-tv host na si Ogie Alcasid nang mabasa ang tweets na may problema raw sila ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez. Kaya tweet ni Ogie, “I have read some tweets about my wifey and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in […]