Sim cards, obligado nang iparehistro
- Published on October 11, 2022
- by @peoplesbalita
GANAP nang batas ang pagpaparehistro ng sim card, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Malacanang.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na matagal na dapat itong naisabatas.
Isa aniya itong epektibong paraan ng pag-regulate ng mga sim card na karaniwang ginagamit sa mga panloloko o spam at scam messages.
Ayon sa pangulo, ang batas na ito ay magbibigay ng mas malakas na panlaban sa pagsasagawa ng mga iligal na aktibidad o krimen.
Sa ilalim ng Sim Card Registration Act, sinabi ng pangulo na obligado ang publiko na may cellphone at gumagamit ng sim cards na magparehistro.
Sinumang hindi magri-rehistro sa itinakdang panahon ay otomatikong madi-deactivate ang sim card.
Inaatasan naman ang mga telecommunication companies na panatilihing confidential ang pagkakakilanlan ng nagmamay ari ng sim card.
Maliban na lamang kung may utos ang korte na makuha at isiwalat ang pangalan ng nagmamay ari nito o may hiling ang mga otoridad na ito ay mabunyag dahil sa mga insidenteng ginamit ang sim card sa iligal na gawain o krimen at ito ay kasama sa imbestigasyon ng mga otoridad.
Ito ang kauna-unahang panukala na naisabatas ng administrasyong Marcos, na ayon sa pangulo ay napapanahon sa mga nangyayaring iligal na aktibidad gamit ang sim cards.
Sa ilalim ng RA 11934, isasagawa ang sumusunod:
*pagpaparehistro ng lahat ng SIM cards, dahilan para maobliga ang lahat ng public telecommunication entity o direct seller na magmintena ng SIM Card Register ng kanilang mga subscriber na maglalaman ng lahat ng impormasyong kailangan sa ilalim ng batas
*kakailanganin nang magpresenta ng end users ng SIM cards ng valid identification document para ma-validate ang kanilang pagkatao
*ioobliga rin ng batas na mairehistro ng mga telecommunications entities ang mga lumang SIM card phone subscribers sa loob ng isang takdang panahon
*magtatakda ng parusa ang batas sa paggamit ng pekeng impormasyon sa tuwing nagrerehistro ng SIM card
Pagtitiyak din ng gobyerno, magkakaroon naman ng proteksyon ng confidentiality at data privacy rights ng mga subscriber na siyang mangyayari oras na ibinenta ang SIM.
Sa kabila nito, maaaring pwersahin ang mga public telecommunication entity na ibahagi ang impormasyong nasa rehistro ng SIM card matapos makapagpaluwal ng subpoena o court order upang “mapigilan ang paggawa ng krimen gamit ang cellphones.” (Daris Jose)
-
9% poverty incidence rate, target ng Marcos admin
TARGET ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na maging 9% ang poverty incidence rate bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Sa isang panayam sa pagdaraos ng “Collective Efforts in Poverty Alleviation’ Forum sa Makati City, sinabi ni Gadon na kayang tugunan ng gobyernong Marcos na malansag […]
-
PBBM, dumating na sa UAE para sa working visit
DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa one-day working visit para palakasin ang relasyon sa Pilipinas. “The plane carrying Marcos and his trimmed-down delegation arrived in the UAE at 2:06 am Tuesday (6:06 am Manila Time),” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez. […]
-
11 TULAK, NAARESTO SA DALAWANG DRUG DEN, P206,638K NASAMSAM
TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng labing-isa na hinihinalang tulak sa magkasunod na buy-bust operation at pagkalansag sa dalawang drug den sa Bacoor City, Cavite. Kinilala ang mga suspek na si Maila Vasquez y Pagtakhan ( co-maintainer ng drug den)28; Jonathan Francisco y Ecle, 27; Ariel […]