• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIM Registration Act magiging epektibo na sa Disyembre 27

MAGIGING epektibo na sa Disyembre 27 ang SIM Registration Act.

 

 

Kasunod ito ng pagpapalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ng implementing rules para sa nasabing usapin.

 

 

Nakasaad sa nasabing panuntunan na nirerequire ang lahat ng mga mobile subscriber na i-enroll ang kanilang SIM cards sa loob ng 180 araw o anim na buwan mula ng maging epektibo ang nasabing batas at kapag hindi naiparehistro ay otomatikong made-deactivate ang kanilang cards.

 

 

Maaari lamang nilang mare-activate ang kanilang SIM cards sa loob ng limang araw.

 

 

Isasagawa ang nasabing SIM registration sa ligtas na platform o website mula sa mga telecommunications company.

 

 

Ang mga individual users ay kailangan ibigay ang kanilang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, tirahan at magpakita ng valid government ID o mga dokumento habang ang mga business users ay kailangan ibigay ang kanilang business name, business address at ang buong pangalan ng authorized signatory.

 

 

Ang mga dayuhan naman ay kailangan din na ibigay ang kanilang personal data habang ang mga bisitang turista ay mabibigyan ng SIM cards na may balidong hanggang 30 araw.

 

 

Maglalabas naman ang ilang telecommunications company ng ibang detalye ng kanilang SIM registration portal sa mga susunod na araw.

 

 

Layon ng SIM Registration Act na mabawasan ang mga panloloko at ilang criminal activities na gamit ang mga cellphones. (Daris Jose)

Other News
  • Navotas namahagi ng educational assistance

    NAMAHAGI ang Pamahalang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng educational assistance sa 355 public special education students o mga estudyanteng may kapansanan.     Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril.     Ipinasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 para […]

  • COMELEC BINATIKOS SA BAKLAS POSTER

    UMANI ng batikos ang Commission on Elections (Comelec)  matapos mag-viral sa social media ang ilang video ng mga enforcer nito na nagbabaklas sa mga campaign materials sa mga pribadong pag-aari, kung saan inilarawan ng ilan ang mga insidente bilang “trespassing” at pagsugpo sa malayang pananalita.     Ito ay matapos na pagbabaklasin  ng Comelec Oplan […]

  • Kingstown 2 at Queensville sa Brgy. 171 Caloocan, ila-lockdown

    Isasailalim ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa lockdown ang Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula 12:01am ng Lunes, March 22 hanggang 11:59pm ng Linggo, March 28, 2021.     Ayon kay Mayor Oca Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases […]