• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simbahan, hindi pa kailangan na gamitin para sa vaccination program ng gobyerno

HINDI pa kailangan na ipagamit ng mga obispo ang kanilang mga Simbahan at pasilidad para sa pagsisimula ng vaccination program ng pamahalaan.

 

Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, kumpleto na ang plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force against covid19 para agad na makarating at maibigay sa bawat mamamayan ng bansa ang covid19 vaccine.

 

Sa katunayan aniya ay siniguro mismo ng provincial government ng Palawan na kakayanin nilang mabakunahan sa loob lamang ng isang buwan ang lahat ng kanIlang constituent.

 

Aniya pa, nakalatag na ang lahat ng kinakailangang gawin para sa pagsisimula ng pagtuturok ng bakuna laban sa virus.

 

Samantala, pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga lokal na pamahalaan na responsibilidad nilang patawan ng kaukulang parusa ang sinumang lumabag sa ipinatutupad na health protocols sa kanilang mga nasasakupan.

 

Pinaalalahanan ni Sec.Roque ang LGUs kasunod ng napaulat na marami sa mga celebrities o kilalang personalidad ang hindi sumunod sa IATF guidelines kaugnay sa quarantine protocols Matapos na magparty sa kabila ng patuloy na banta ng new variant ng covid19.

 

Ani Sec. Roque, nailatag na ng gobyerno ang mga health restrctions na kailangang sundin ngayong panahon ng pandemya at nasa kamay na Aniya ng mga lokal na pamahalaan ang PagPapataw ng mas mabigat na parusa o kaya’y mas malaking multa para mApanagot at maturuan ng leksiyon ang mga hindi sumusunod sa basic health protocols.

 

Muling iginiit ng kalihim na hindi IATF ang nagpapataw ng parusa, kundi ang mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Kanilang mga ordinansa. (Daris Jose)

Other News
  • Masaya na nag-uusap na sila ng anak: DENNIS, gustong maihatid sa altar o ma-witness kapag ikakasal na si JULIA

    KINUMPIRMA mismo ni Dennis Padilla na nag-uusap na sila ng kanyang anak na si Julia Barretto.     Sa grand presscon ng romantic-comedy film na ‘When Magic Hurts’ starring Beaver Magtalas and Mutya Orquia last Saturday, sinabi ng aktor na nag-reach out si Julia noong birthday niya last Feb. 9, sa pamamagitan ng short text […]

  • Ads May 17, 2022

  • Layuning turuan at itaas ang kamalayan ng publiko: BARBIE, kasama na sa “Stream Responsibly. Fight Piracy.” campaign

    OPISYAL nanumpa si Maria Clara at Ibarra lead star and Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang isa sa mga ambassadors ng GMA Network para sa Anti-Piracy campaign “Stream Responsibly. Fight Piracy.” “It is such a responsible campaign to be part of. Being an artist myself, it is important to have and to be part of campaigns like this. […]