SIMBAHAN, MANANATILING NON-PARTISAN SA ELEKSIYON
- Published on February 3, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng isang obispo na mananatiling non-partisan ang simbahan at hindi mag-eendorso ng pulitiko sa nalalapit na halalan.
Ayon kay Novaliches bishopc emeritus Teodoro Bacani Jr., bagama’t walang batas na pumipigil sa mga pari na makialam sa pulitika, sinasaad naman sa batas ng simbahan na hindi maaring kumandidato o mag-endorso ang mga pari o obispo.
Paglilinaw ni Bishop Bacani na maaari namang ikampanya ng simbahan ang mga pulitiko na huwag ihalal ng publiko kung malinaw na isinusulong ang polisiya na labag sa paninindigan ng simbahan at magdudulot ng panganib sa mamamayan.
“Under normal circumstances hindi ka dapat tumukoy ng pangalan, pero kung merong isang tao na talagang makasasama sa bayan talagang pwede ka namang lumaban na hayagan dun sa taong malinaw na makasasama sa bayan,” ayon kay Bishop Bacani.
Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay na rin sa One Godly Vote campaign ng Radyo Veritas -isang voters education campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila na nagbibigay ng gabay sa mga botante sa tamang pagpili ng ihahalal na pinuno ng bansa.
Matatandaang taong 2013 nang hayagang tutulan ng simbahan ang ilang kandidato na bumoto pabor sa Reproductive Health Law -na tinututulan ng simbahan dahil sa mga nakapaloob na probisyon na laban sa kasagraduhan ng buhay kabilang na ang paggamit ng ‘artificial contraceptives’. Ang Team Patay vs Team Buhay campaign tarpaulin ay matatagpuan sa iba’t ibang parokya at institusyon ng simbahan. Tinatayang may 67 milyon ang registered voters na makikiisa sa nalalapit na halalan. GENE ADSUARA
-
Skilled sexy assassin pala ang magiging role… KATRINA, super shocked at nahirapan sa mga trainings para sa ‘Black Rider’
NATATAWANG kinuwento ni Katrina Halili na hindi niya kaagad nalaman na skilled sexy assassin ang magiging role niya sa upcoming Kapuso drama-action series na Black Rider. Kinuwento ni Katrina ang kanyang naging paghahanda sa kanyang role bilang si Romana. “Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga […]
-
Makati City, napili bilang isa sa mga pinakaligtas na siyudad sa buong bansa
NAPILI ang lungsod ng Makati bilang isa sa pinakaligtas na siyudad sa buong bansa. Base sa TravelSafeAbroad.com, nakuha ng Makati City ang ika-anim na pwesto sa pinakaligtas na lungsod sa bansa. Isa sa mga naging pamantayan nila ang mababang crime index ng lungsod na nasa 39.55%, kasunod ng Dumaguete at Iloilo […]
-
Umano’y pagpapalayas ng China sa PH Navy, propaganda lamang ayon kay AFP Chief Brawner
MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng China hinggil sa umano’y pagpaalis nito sa barko ng Philippine Navy sa bahagi ng Bajo de Masinloc shoal. Ito nga ay matapos ang inilabas na statement ni China Coast Guard spokesman Gan Yu kung saan sinabi nito na tinaboy daw ng […]