Simon isinabit na ang playing jersey
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
DAHIL sa paglagay na ng Magnolia Chicken sa kanya sa unrestricted free agent, ipinasya ni Peter June ‘PJ’ Simon na magretiro matapos ang 17 taong paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).
Para tipid, sa social media na lang pinarating ng beteranong basketbolista ang kanyang saloobin.
Iginiit ng 40 taong-gulang, may taas na 5-11 at tubong Makilala, North Cotabaro, na hindi niya inakalang makakarating sa liga at mag-iwan ng marka.
“Nakakalungkot man pero ito na siguro ‘yung tamang panahon para magpaalam sa liga,” litany ng shooting guard. “Kinailangan kong umuwi ng Davao nu’ng magkasakit at namatay ang father ko at nahirapan na rin akong makabalik dahil sa pandemya. Sign na rin siguro ‘yun na ito na ‘yung tamang time para magretiro.”
Hinirit pa sa pamamaalam ng ‘Super-Sub’ ang kanyang pagpokus na sa kanyang nakatakdang mnabuong pamilya.
“My wife is pregnant and gusto ko magkasama kami as we start a family. Sobra-sobra ang mga biyayang natanggap ko sa buhay ko especially sa aking PBA career at pinapasalamatan ko ng buong puso ang Panginoon.
Naging sandalan ko ang Diyos sa bawat desisyon na aking tinatahak at pinapalangin ko na lagi akong gabayan ng Panginoon sa aking paglalakbay,” lahad ng eight- time professional cage league champion at 8-time All-Star.
Pinasalamatan din niya ang kanyang mga boss sa San Miguel Corporation, coach, teammate, staff at management, Magnolia franchise at liga.
Huli niyang binaggit ni Simon: “Umaasa ako na magkikita-kita tayo sa panahon na iretiro ang aking numero 8 na uniform. This is PJ Simon, The Super Sub, Your Scoring Apostle, signing out.” (REC)
-
Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre
Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre. Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon. Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government. […]
-
Maraming naalarma sa ‘baby-themed photoshoot’ niya: DONNALYN, binatikos at agad nag-apologize sa maling nagawa
PINAG-USAPAN at umani nang sandamakmak na batikos mula sa mga netizens ang ginawang birthday photo shoot ni Donnalyn Bartolome na kung saan makikita ang isang sexy baby. Pahayag ng aktres, singer at vlogger, “Contradicting ‘tong shoot na ‘to kasi baby ako sa shoot na ‘to but it’s my actual first daring and sexy […]
-
MSMEs protektahan laban sa cyber attacks
DAPAT magsanib puwersa ang mga kalihim ng Departments of Trade and Industry (DTI) at Information and Communications Technology (DICT) para masigurong nakahanda ang business sector laban sa lumalaking bilang ng panganib sa online, lalo na sa ulat ng isa sa bawat dalawang small and medium enterprises (SMEs) ay dumaranas ng cyber attacks simula noong nakalipas […]