• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simula Oktubre 1: Lanao del Sur, isinailalim sa MECQ; Metro Manila, mananatili sa GCQ

INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Oktubre 1 hanggang Oktubren 31, 2020.

 

Habang ang Iloilo City ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula rin sa Oktubre 1.

 

Matatandaang, inilagay ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Iloilo City sa ilalim ng MECQ, at mananatili ito hanggang Setyembre 30, 2020.

 

Sa kabilang dako, mananatili naman ang Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification.

 

Ang iba pang lugar sa ilalim ng GCQ ay Batangas para sa Luzon; Tacloban City at Bacolod City para sa Visayas; at Iligan City para sa Mindanao.

 

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

Ang bagong risk-level classifications ay epektibo simula sa araw ng Huwebes, Oktubre 1 hanggang Oktubre 31, 2020. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 15, 2023

  • Ilang milyong trabaho, paglago ng ekonomiya inaasahan sa Cha-cha at pag-apruba sa CREATE Act

    Inaasahang lalo pang lalakas ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kung maaprubahan hindi lamang ang mga itinutulak na amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas sa ilalim ng House Resolution of Both Houses No. 2 (RBH 2) kundi maging ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.     Ayon kay House Ways […]

  • ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong

    Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo.     Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng […]