• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinabihang ‘banong umarte’ sa mismong kaarawan: DAVID, aminado na apektado ‘pag naba-bash ang acting

AMINADO naman si David Licauco na kapag naba-bash ang acting niya ay apektado siya.

 

Lahad ni David, “Siguro pag bina-bash ang acting ko. Dun ako naba-bad trip. Minsan gusto kong mag-reply.

 

“Pero siyempre, e, entitled naman sila sa opinions nila, e.

 

“Pero OK lang naman sa akin. Sa totoo lang, immune na rin ako. Pag minsan lang, kunwari bad mood ka, nakita mo. Parang hmmm…

 

“Nung birthday ko, may nakita ako. Birthday ko na nga, imbes na i-greet ako, sinabi sa akin, ‘Babanu-bano umarte.’”

 

Kaka-celebrate lang ni David ng birthday niya nitong June 15 in a more positive note, happy si David sa tambalan nila ni Barbie Forteza, na kung aabutin ito ng mahabang panahon ay ikasisiya ng binata.

 

“Bakit hindi, di ba? If it’s working, siyempre. If it’s working, yes.”

 

Paano kung pagsawaan sila ng mga fans.

 

“Siguro depende pa rin yun sa mga fans. Kumbaga, Nasa kanila naman yun kung magsasawa sila o hindi.

 

“Kami, ginagawa lang naman namin yung best namin.”

 

Paano kapag nagdesisyon ang GMA management o ang mga movie producers na buwagin ang BarDa?

 

Kaya niya?

 

“Hindi ko alam actually. Hindi ko alam dahil hindi ko pa siya nape-face, di ba?

 

“But I don’t know, I think this is my comfort zone as of the moment. I think andami ko nang ginawang uncomfortable decisions sa buhay ko na… pagnenegosyo, maraming uncertainties.

 

“I think this one is, you know, I’m in my comfort zone. And siguro as much as possible, I wanna be in that comfort zone muna.”

 

Mula sa Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films, nasa cast din ng That Kind of Love sina Arlene Muhlach, Divine Aucina, Al Tantay, Kaila Estrada at Ivan Carapiet, sa direksyon ni Catherine Camarillo.

 

Ang premiere night nito ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.

 

Nalalapit na rin, sa July 29, ang “Pulang Araw” sa GMA at sa Netflix kung saan kasama naman nina David at Barbie sina Alden Richards, Sanya Lopez at Dennis Trillo.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda

    TUNAY na tinututukan ang historical portal fantasy teleserye ng GMA na ‘Maria Clara At Ibarra’ dahil ultimo mga Grade 3 students ng isang paaralan sa Tarlac City ay kinagigiliwan ito.     Kung tutuusin ay hindi pa pinag-aaralan ng mga batang ito ang libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere, pero dahil sa […]

  • Ads September 27, 2021

  • LTO district chief suspendido; Masamang behavior ng pasahero sa PUVs responsibilidad ng driver, operator at conductor

    ISANG hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Novaliches district unit ay suspendido matapos na maaresto ang limang pinaghihinalaang fixers sa labas ng opisina ng nasabing ahensya       Ayon kay LTO assistant secretary Jay Art Tugade na ang nasabing opisyal ay sinuspinde habang nagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa fixing activities sa district office. […]