Sinas, handang patunayan na karapat-dapat siya sa posisyong ibinigay sa kanya ng Pangulong Duterte
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
HANDANG patunayan ni bagong Philippine National Police chief Major General Debold Sinas na karapat-dapat siyang maging pinuno ng PNP.
Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kanyang pagkakatalaga bilang pinuno ng Pambansang pulisya.
Sinabi ni Sinas sa Laging Handa press briefing na marami na siyang napagdaanang posisyon bago marating ang pinaka mataas na puwesto sa PNP.
Sa katunayan, kabilang na rito ang pagiging hepe ng Central Visayas police office, naging Deputy Regional Director for Administration din siya sa Police Regional Office 12, nagsilbing secretary to the Directorial Staff sa Camp Crame, direktor ng PNP Crime Laboratory at naging Police Chief Superintendent noong 2017.
Aniya, kahit hindi kumpiyansa ang karamihan sa kanyang liderato ay wala na siyang magagawa hinggil dito dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili sa kanya.
Binigyang-diin nito na patutunayan na lamang niya na karapat dapat siya na maging PNP Chief at tiniyak na ipatutupad ang direktiba sa kanya ni Pangulong Duterte kabilang ang pagsugpo sa ilegal na droga, sa koraspyon at sa terorismo. (Daris Jose)
-
Tumanggap ng cash na ipinapamahagi ng mga kandidato, mananagot din sa batas – Comelec
NAGBIGAY agad ng paglilinaw ang Commission on Elections (Comelec) sa Kontra Bigay na binuo ng komisyon kontra pa rin sa vote buying sa halalan. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Kontra Bigay ay hindi lamang limitado sa pamimigay. Aniya, para raw itong ‘it take two to tango’ o mananagot din sa batas […]
-
Nagbigay ng official statement sa paglisan ni Sen. Ping… MONSOUR, advocacy na ma-implement ang ‘Healthcare Heroes Card’ pag naging Senador
NAGBIGAY ng opisyal na pahayag si Monsour del Rosario tungkol sa paglisan ni Sen. Ping Lacson sa Partido Reporma. Ayon kay Monsour, “Iginagalang ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang […]
-
National athletes na sasabak sa Tokyo Olympics at SEA Games, magsisimula na sa bubble training
Magsisimula na sa buwan ng Hulyo ang bubble training ng mga national athletes ng bansa bilang paghahanda sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games. Sa naging panayam, sinabi ni Dr. Philip Ella Juico, president ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na sa July 15, 2021 magsisimula na ang pagsasanay ng mga atleta […]