Sinasabing pahayag ng WHO na nakukulangan ito sa hakbang ng pamahalaan para protektahan ang mga health workers, pinatulan ng Malakanyang
- Published on April 23, 2021
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng Malakanyang na ang pinakamabisang bakuna ay kung ano ang naririyan o available.
Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe na kulang pa rin ang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang frontline healthcare workers ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pinanggalingan ng pahayag ng WHO official ay posibleng galing sa ulat na 63 porsiyento pa lamang na mga health workers ang nababakunahan sa bansa.
Sinabi nito na bagama’t may garantiya naman ang pamahalaan na ang lahat ng medical workers na gustong magpabakuna ay mababakunahan, naroroon din naman ang reyalidad na marami ang nag-aantay ng kanilang preferred brand.
“I think this has to do with the fact na 63% pa lang ang health workers ang nababakunahan. I think as a general conclusion, lahat po ng medical frontliners na gustong magpabakuna ay mabibigyan po ng bakuna. Pero marami po talaga sa kanila ang nag-aantay ng kanilang preferred brand at hindi naman natin po sila mapipilit,” aniya pa rin.
Hindi anila mapipilit ang mga ito na sumalang sa pagbabakuna kaya’t ang tanging magagawa nila ay igiit na “the best vaccine is the vaccine that is available.”
“Pero sa amin po, walang tigil ang ating pagmumungkahi sa mga health professionals that the best vaccine is the vaccine that is available,” pahayag ni Sec. Roque.
-
Ads March 6, 2024
-
Dating Rep. Nina Taduran, itinalaga bilang undersecretary ng DSWD
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga dating mamamahayag at mambabatas na kabilang sa mga appointee ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito’y matapos na lumabas ang appointment ni dating ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran, bilang undersecretary ng Department of Social and Welfare Development (DSWD). Ipinakilala si Taduran sa isang event bilang […]
-
34 patay sa landslide sa Brazil
UMABOT sa 34 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha at landslides sa Rio de Janeiro, Brazil. Ilang araw kasi na nakaranas ng pag-ulan ang Petropolis City na nagbunsod sa pagguho ng mga lupain. Hindi pa tiyak naman Riio de Janeiro Fire and Civil Defense Department kung ilang katao ang nawawala. […]