Sinasala na mga nominado sa Philippine Sports Hall of Fame
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSARA na pala ang nominasyon para sa ikaapat na grupo na mga nakatakdang iluluklok sa 2021 Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) nito lang Linggo, Enero 31.
Sinimulan na ring salain na ang screening ng dalawang komite ng PHSOF mga kandidato para sa mga pinal na mapipili na pararangalan sa okasyon sa taong ito na nakadepensa pandemya kung aktuwal o virtual event.
“Nakatanggap pa kami ng mga karagdang nominations bago pa mag-deadline,” pahayag sa Opensa Depensa,” kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at PSHOF 2020 Selection Committee chairperson William Ramirez.
Makikipagpulong pa ang sports agency chief sa mga kasapi ng PSHOF Selection Committee na sina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Kahilil Mitra, Philippine Olympic Committee (POC) Secretary-General Edwin Gastanes;
Integrated Cycling Federation of the Philippines Secretary General Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Rene Saguisag Jr., at Philippine Olympians Association President Gillian Akiko Thomson Guevara sa Pebrero 11 para sa presentasyon ng nominees.
Ipinasya ng Selection Committee ang pag- apruba sa automatic nomination ng Summer Olympic Games medalists.
Kasabay nito, pinangalanan ni Ramirez ang miyembro ng PSOF Review and Evaluation Committee na inatasan sa pagpili sa mga nominado bago ang magdesisyon ang Selection Committee sa pinal na talaan ng mga gagawaran ng award.
Kabilang sa Review and Evaluation Committee sina Joaquin Henson ng Philippine Star, Eduardo Andaya ng Peoples Tonight, Lorenzo Lomibao Jr. ng Business Mirror, Eriberto Talao Jr. ng Manila Bulletin, Eduardo Catacutan Jr. ng Spin.ph, Jose Antonio ng People’s Journal, Reynaldo Bancod ng Daily Tribune, at Prof. Theresa Jazmines ng UP College of Mass Communication at Larc & Asset PR.
Good luck sa mga mapapasama sa 4th Batch ng 2021 PSHOF awardees. At sa mga hindi papalarin, better luck next time po. (REC)
-
5 ARESTADO SA SHABU SA CALOOCAN
LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. dakong 9:10 ng gabi, nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng Oplan Galugad na sa kahabaan ng Binata St. Brgy 144, Bagong Barrio nang maispatan nila ang isang grupo ng […]
-
Mag-asawa, 3 pa binitbit sa P272K shabu sa Valenzuela
TINATAYANG abot P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvadro Destura Jr, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]
-
Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na
MULING magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO. Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente […]