• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sindikato sa ‘fund parking scheme’ sa DPWH, pinasisilip

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Alan Peter Cayetano sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang umano’y sindikatong nasa likod ng illegal realignment ng bilyon-bilyong pondo sa panukalang 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

 

Ayon kay Cayetano, bilang dating Speaker ng Kamara ay nakarating sa kanyang impormasyon na mayroong grupo na nagkokontrol ng alokasyon ng mga proyekto sa iba’t ibang congressional districts.

 

 

Subalit ang nakakaalarma umano ay ang posibilidad na ang manipulasyon ng pondo ay nangyayari gamit ang pondo ng DPWH bago pa man ito maisumite sa Kongreso.

 

 

Paliwanag pa ni Cayetano na ang “parking” ng mga pondo ay dating ginagawa sa bicameral level at kadalasan ay sa maliitang halaga lang, subalit ngayon ay bilyon-bilyong piso na ang ginagalaw at mas naging laganap pa ito.

 

 

Ang nasabing gawain ay binansagan ni Cayetano na “expanded fund parking scheme,” kung saan sadyang babawasan ang badyet ng mga congressional district tsaka iaareglo ang pagbabalik ng naturang pondo kapalit ng pagbibigay ng proyekto sa mga piling contractor.

 

 

“Ang sumbong sa akin ay binabawasan daw ang budget ng mga distrito, tapos kakausapin nila ang congressman doon na pwede nilang ibalik ang pondo pero sila ang mamimili ng project at contractor nila ang gagawa nito. Hulidap ang tawag dito,” wika pa ng senador.

 

 

Idinagdag pa niya na binawasan sa ‘di-malamang dahilan ang pondo ng ilang mga distrito sa 2023 National Expenditure Program (NEP), kung saan naglalaro ang kabawasan mula 21.41 porsyento hanggang 93.12 porsyento.

 

 

Nanawagan din siya kay Finance Secretary Benjamin Diokno, bilang pinuno ng DBCC, na imbestigahan ang nasabing usapin at alamin ang katotohanan sa alegasyon na may sindikato sa DPWH na siyang iligal na nagpa-park ng pondo.

Other News
  • PBBM, sa kondisyon ng Pinas: ‘Dumating na ang Bagong Pilipinas’

    Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.  Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na. Tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the […]

  • DOH, naghahanap pa ng karagdagang pondo para sa mga health workers ng bansa

    NAGHAHANAP  pa ng karagdagang pondo ang Department of Health para sa healthcare workers benefits ng bansa.     Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Budget and Management upang ma identify ang ilan pang source of fund para mapunan ang kulang na budget sa healthcare […]

  • Victory Liner Grabs Campaign Asia’s Top Brand for Customer Experience

    With a rich history spanning 78 years in the transportation industry, Victory Liner, Inc. (VLI) has established itself as a premier service provider, renowned for its exceptional offerings. Recognized as Campaign Asia’s top brand for customer experience, VLI epitomizes unwavering commitment to excellence.        Over decades, the company has consistently set industry standards […]