Sinibak na parak, kulong sa pangongotong
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Isang parak na sinibak sa serbisyo ang dinampot sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Maritime Police matapos ireklamo ng pangongotong ng pera sa mga delivery truck ng isda sa loob ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nakasuot pa ng police field service uniform (FEU) si Don De Quiroz Osias II, 39 ng 63 Rodriguez Subdivision, Dampalit, Malabon city nang arestuhin ng mga tauhan ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido dakong 8:30 ng gabi sa Bañera St., NFPC matapos tanggapin ang P100 marked money mula kay Pat. Patrick Quinto na umaktong truck helper.
Gayunman, tinangka umano ng suspek maglabas ng kung anu mula sa kanyang baywang kaya’t napilitan ang mga operatiba na putukan siya sa hita bago isinugod sa Tondo Medical Center kung saan ito binabantayan ng mga tauhan ng Maritime police habang ginagamot.
Narekober ng mga operatiba sa suspek ang P100 marked money, P470.00 at motorsiklo na gamit niya sa kanyang illegal activity.
Nauna rito, nakatanggap ng mga reklamo si P/Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-NCR mula sa mga delivery truck drivers ng isda na isang alyas “Don” na nagpapakilalang miyembro ng Maritime police ang humihingi sa kanila ng pera dahilan upang isagawa ng mga tauhan ng MARPSTA ang entrapment operation kontra sa suspek.
Positibong kinilala ng mga truck drivers na sina Bryan Alcantara, 36, Gilbert Delia, 48, Cyril John Diaz, 36 at Bonifacio Salinay, 47, si De Quiroz Osias na nanghihingi sa kanila ng pera tuwing dadaan sila sa Bañera St., NFPC, NBBS Proper.
Nakatanggap din si Malabon police chief P/Col. Angela Rejano ng impormasyon na ang suspek ay napaulat na nag-AWOl dalawang taon na ang nakalipas matapos pumasok sa serbisyo noong 2008 at pinaghahanap ng pulisya dahil sa kanyang extortion activities sa Malabon city. (Richard Mesa)
-
SUNSHINE, ‘one take actress’ ang tawag kay BARBIE na first time lang nakasama sa teleserye
THANKFUL si Luane Dy, na mild lamang ang tumama sa kanilang Covid-19 virus, sa pagsi-share niya nito sa 24 Oras. Sila ng husband niyang si Kapuso actor Carlo Gonzales at ang anak nilang si Christiano ang tinamaan nito. Una raw nagkaroon si Christiano ng symptoms pero isang araw lamang nagkasakit ang anak nila […]
-
Acting Sec. Chua, ganap ng Kalihim ng NEDA
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA). Si Secretary Chua sa Duterte Administration na may propesyonalismo, kakayanan at integridad bilang Undersecretary ng Department of Finance at Acting Secretary ng NEDA. “With the aforesaid traits we […]
-
Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril
MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos. Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico sa pagtatanggol sa kanyang […]