• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SINING AT KULTURANG PILIPINO SA QUEZON CITY, BUHAY AT AKTIBO

IDINAOS kamakailan sa lungsod Quezon ang isang tagisan ng galing sa balagtasan na may temang Diwang, Sagisag Kultura ng Filipinas sa pangunguna ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), NCCA-Philippine Cultural Education Program katuwang ang QC Education Affairs Unit.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang sama-samang pagbibigay-buhay at pagkilala sa kultura at panitikang Pilipino. Dahil aniya, ang ating sining at kultura ay ang ating pagkakakilanlan saan mang panig ng mundo tayo makarating.
Dadag pa ng Alkalde, hindi biro ang naging sakripisyo ng taong nagsulong at patuloy na nagsusulong na manatiling buhay sa ating lahat ang sarili nating kultura at sining.
Ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario ay naging hurado sa naturang kumpetisyon. Nakiisa naman sina PCEP Director Joseph Cristobal at Asian Social Institute President Felipe de Leon Jr. sa aktibidad.
Matatandaan na tuwing ika-22 ng Nobyembre, ipinagdiriwang ang Poetry Day sa QC sa bisa ng Executive Order No.19. At ang Araw ng Pagtula sa QC kasabay ng kapanganakan ng makata na si Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • Dahil walang pagkukulang sa mga kasambahay… RUFFA, pinagdidiinan pa rin na wala siyang inagrabyado

    HINDI alam ni Ruffa Gutierrez na magkakaroon siya bigla ng issue sa kasagsagan ng promo ng “Maid in Malacanang.”   Nabanggit pa nga sa kanya ni Direk Darryl Yap na may issue kay Ella Cruz at biniro pa siya ng director na baka bigla rin siya magkaroon ng issue.   True enough, idinadawit ang pangalan […]

  • Magkikita na lang sila sa korte: CRISTY, nagbigay na ng pahayag sa kasong isinampa ni BEA

    KAHAPON nang tanghali, ika-3 ng Mayo, sinagot na ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM, ang isinampang reklamo sa kanila ni Bea Alonzo na cyber libel.     Wala pa raw siyang natatanggap na subpoena kaya hindi niya alam kung ano ang nilalaman […]

  • Higit 300 preso inilipat sa bagong Quezon City Jail sa Payatas

    NAILIPAT na sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas ang nasa 364 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na mga senior citizens at may karamdaman.     Ang paglilipat sa mga PDLs ay personal na isinagawa ni QC Jail Warden, JSupt. Warren Geronimo at mga opisyal ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP).   […]