• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac, inaasahang darating sa Pebrero 28- Malakanyang

INANUNSYO ngayon ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa araw ng Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na dinonate ng China’s Sinovac Biotech.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad na ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1.

 

“Inaasahan na darating sa araw ng Linggo, itong Linggong ito, ang Sinovac. Kaya excited na tayong lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Inaasahan at least ang pinaplano natin ay sasalubungin ng mga opisyal ang pagdating ng mga bakuna,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa ni Sec.Roque na mangangailangan lamang ng isang araw ang pamahalaan para maghanda para sa pag-rollout ng bakuna matapos na dumating ito sa bansa.

 

“If it arrives on Sunday, if I’m not mistaken, then we can roll out on Monday dahil excited na ang maraming kababayan natin,” ani Sec. Roque.

 

Nauna rito, pinaggkalooban na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac’s vaccine, ito ang pangatlong vaccine manufacturer na nabigyan ng EUA matapos ang Pfizer at AstraZeneca.

 

Sinabi ni FDA director general Dr. Eric Domingo na ang efficacy rate ng Sinovac ay pumapalo mula 65.3% hanggang 91.2% subalit umabot lamang sa 50.4% pagdating sa mga health workers na may COVID-19 exposure.

 

Ito ang dahilan kaya’t hindi inirekumenda ng FDA ang nasabing bakuna sa mga health workers.

 

“This should be administered by vaccination providers and to prevent COVID-19 in clinically healthy individuals aged 18 to 59 years old,” ayon kay Domingo.

 

Gayunpaman, nilinaw ni Domingo na ang mga health workers ay maaaring makapamili kung nais na mabakunahan ng Sinovac lalo pa’t gumawa lamang sila ng rekomendasyon kung anong grupo lamang ito nababagay.

 

“What we did was a recommendation… We don’t say that it’s not illegal or they’re not allowed to use it. We just say, if they’re gonna use it, they should know that the efficacy rate for health workers treating COVID-19 [patients] is at 50%,” ang pahayag ni Domingo.

 

Nauna rito, binigyang diin naman ni Roque na ang Sinovac ay “not a low quality vaccine” kahit pa ang dalawang iba pang COVID-19 vaccine brands ay nabigyan ng EUA at nakapagrehistro ng mataas na efficacy rate, na umaabot sa 70% hanggang 95%, at maaaring gamitin para sa mga health workers.

 

“It is not a low quality vaccine. It is better than no protection. Ang iniiwasan po talaga natin iyong pagkakasakit ng seryoso o nakamamatay,” ang dagdag na pahayag ni Sec. Roque sabay sabing pumasa ang Sinovac’s vaccine sa standards ng World Health Organization (WHO). (Daris Jose)

Other News
  • COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study

    Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.   Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.   Kasunod ito ng ulat […]

  • Duterte humalik sa lupa

    Hinalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lupa kung saan naganap ang pagsabog sa Jolo, Sulu.   Binisita ni Duterte ang lugar kung saan lumuhod siya at humalik sa lupa.   “That’s why      when I visited the blast — and thank you for sharing with me the gesture — lumuhod ako, hinalikan ko ‘yung at least […]

  • PDu30, nangakong patuloy na lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang termino

    SA KABILA ng pag-amin na mahirap na gawain ang paglaban sa korapsyon ay nangako pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na patuloy niyang lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang kanyang termino.   “We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government […]