• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac, inaasahang darating sa Pebrero 28- Malakanyang

INANUNSYO ngayon ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa araw ng Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na dinonate ng China’s Sinovac Biotech.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad na ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1.

 

“Inaasahan na darating sa araw ng Linggo, itong Linggong ito, ang Sinovac. Kaya excited na tayong lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Inaasahan at least ang pinaplano natin ay sasalubungin ng mga opisyal ang pagdating ng mga bakuna,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa ni Sec.Roque na mangangailangan lamang ng isang araw ang pamahalaan para maghanda para sa pag-rollout ng bakuna matapos na dumating ito sa bansa.

 

“If it arrives on Sunday, if I’m not mistaken, then we can roll out on Monday dahil excited na ang maraming kababayan natin,” ani Sec. Roque.

 

Nauna rito, pinaggkalooban na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac’s vaccine, ito ang pangatlong vaccine manufacturer na nabigyan ng EUA matapos ang Pfizer at AstraZeneca.

 

Sinabi ni FDA director general Dr. Eric Domingo na ang efficacy rate ng Sinovac ay pumapalo mula 65.3% hanggang 91.2% subalit umabot lamang sa 50.4% pagdating sa mga health workers na may COVID-19 exposure.

 

Ito ang dahilan kaya’t hindi inirekumenda ng FDA ang nasabing bakuna sa mga health workers.

 

“This should be administered by vaccination providers and to prevent COVID-19 in clinically healthy individuals aged 18 to 59 years old,” ayon kay Domingo.

 

Gayunpaman, nilinaw ni Domingo na ang mga health workers ay maaaring makapamili kung nais na mabakunahan ng Sinovac lalo pa’t gumawa lamang sila ng rekomendasyon kung anong grupo lamang ito nababagay.

 

“What we did was a recommendation… We don’t say that it’s not illegal or they’re not allowed to use it. We just say, if they’re gonna use it, they should know that the efficacy rate for health workers treating COVID-19 [patients] is at 50%,” ang pahayag ni Domingo.

 

Nauna rito, binigyang diin naman ni Roque na ang Sinovac ay “not a low quality vaccine” kahit pa ang dalawang iba pang COVID-19 vaccine brands ay nabigyan ng EUA at nakapagrehistro ng mataas na efficacy rate, na umaabot sa 70% hanggang 95%, at maaaring gamitin para sa mga health workers.

 

“It is not a low quality vaccine. It is better than no protection. Ang iniiwasan po talaga natin iyong pagkakasakit ng seryoso o nakamamatay,” ang dagdag na pahayag ni Sec. Roque sabay sabing pumasa ang Sinovac’s vaccine sa standards ng World Health Organization (WHO). (Daris Jose)

Other News
  • Ilang player ng PBA balik Gilas Pilipinas – Marcial

    BALIK ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) upang kumampanya sa national colors sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa darating na Pebrero 18-22.   Final window na ng Qualifiers ang event na itataguyod ng ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. ang mga laro sa Group A, na Bubble-style rin […]

  • Ryan Reynolds brings heart and humor to family adventure-comedy “IF”

    Ryan Reynolds is bringing his high-energy comedic humor that made his portrayal as the superhero Deadpool iconic, and turning it into something magical as the character Cal in the whimsical world of IF. In a world where IFs or imaginary friends are real, Cal, along with Bea (Cailey Fleming), are the only ones who can […]

  • Growth Domestic Product ngayong taon ibinaba sa 6-7% mula sa 6.5 hanggang 7.5%

    IBINABA  ng gobyerno sa 6-7% mula sa 6.5 hanggang 7.5% target na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kanilang isina-alang alang sa adjusted GDP projection ang performance mula nuong nakaraang taon. Kasama rin ang developments sa global economy partikular ang global finance at economic slowdown, pagtaas ng […]